Part 24

9 1 0
                                    

Dumagundong nang husto ang puso ko noong sinabi 'yon ni Andreia. Natahimik ako, parang naging awkward ang paligid o baka sa akin lang kasi daldal nang daldal naman silang dalawa?

Kinagabihan ay tinry ko ang mga bagong bili na Bible Journal at mga art materials. Nang makita ko ang mga ito'y naalala ko na naman si Alec at ang sinabi ni Andreia. Destructed ulit ako.

"Lord, paano ba 'to?" Bulong ko sa hangin. Maghahanap pa sana ako ng scriptures nang bigla nalang parang may bumulong sa akin na buksan ang book of Songs of Solomon.

Kasalukuyan kong jinojournal ang nabasa ko. "Do not awaken love. When the time is right, the Lord will make it happened." Iyan ang panghuling pangungusap ko.

Napabuntong-hininga naman ako. Ayan, Liah guard your heart. Never let your emotions control you because you have the Holy Ghost now. Let it convicts you.

Pagkatapos kong mag-journal ay nag-drawing nalang ako ng mga bagong designs. Ginanahan ako kaya hindi ko namalayan ang oras at alas dyes na pala, dapat tulog na ako. Kaya tinapos ko nalang ang panghuli at nag-ayos na ng mga gamit.

Bago magdasal at matulog ay chineck ko muna ang messenger ko. Ang daming messages na alam kong sa group chats lang naman. Ngunit nag-dm pala si Andreia.

Andreia:
[sent 10 photos]
Ang cute niyo ni kuya diyan. Bakit ate Liah? Bakit hindi nalang ikaw? :(

Napakunot naman ang noo ko. Tinignan ko ang pictures. Ito 'yong kanina sa mall, may naglalakad kami, 'yong parang nagsasagutan, may nakatawa naman. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Si Alec. Si Alec ang lalaking gusto ko na hindi ko pinagpray sa Diyos dahil alam ko, may iba ring hinihingi siya sa Panginoon at may mga pagkakataon sa buhay na hanggang magkaibigan lang ang mga tao.

Ako:
Naku, Adreia. Hindi ako ang para kay Kuya mo tsaka ano ka ba. Hahaha. May ibang girlfriend ata 'yan. 'Yong pinapakita niyang care sa akin, as a friend lang. Matulog ka na. Good night.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon