Masyado pa kaming bata ni Alec para atupagin ang sinasabi niyang "right person". Pagkatapos ng pag-uusap na iyo ay hindi na kailanman bumalik ang closeness namin ni Alec. Umiiwas na rin siya. Hinayaan ko na rin. Nagtataka man ay hindi na rin nagtanong sila Tita El at Mama.
Patuloy kami sa gawain. Mas lumago pa ako sa ministry ko. Confirmation nga siguro 'yong youth camp na 'yon sa buhay namin ni Mama. Naging parte ako ng Media team sa church, si mama naman ay naging part sa food ministry. Hindi naman talaga kain nang kain lang ang food ministry, sa katunayan ay sila ang nagluluto ng mga pagkain para ipakain sa amin, sa mga bisita at minsan sa mga feeding programs or crusade ng church.
Sa amin namang tatlo ni Joy at Hannah, mas naging close at lumalim pa ang pagkakaibigan namin. Sa mga nagdaang mga buwan ay maayos ang takbo ng buhay namin. May mga pagsubok pero nalalampasan agad.
Ngayon ay kasalukuyan akong nagpapapirma ng clearance dahil tapos ko na ang first year college. Ang saya ko. Sakto lang ang mga grades ko, hindi naman ako bumagsak kahit minsan akong mag-breakdown dahil sa wala akong alam talaga. Mahirap ang buhay estudyante pero salamat sa Diyos at nakakaya ko naman.
Pagkatapos kong ma-cleared ay umuwi na ako sa bahay. Hindi ko rin naman nakita sila sa campus. Pagdating ko sa bahay ay nabigla ako dahil nando'n si Pastor at ang kasamahan naming youth na si Ate Carmela. Si ate Carmela ang nagtuturo sa mga bata sa simbahan.
"Magandang tanghali ate Carmela, Pastor." Bati ko sa kanila.
"Hello, Liah. Kumusta?" Nakangiting sagot sa akin ni ate Carmela.
"Ayos lang po." sagot ko at nagpaalam din ako saglit sa kanila para ihatid sa kwarto ko ang mga gamit ko.
Pagkabalik ko ay nando'n na sila sa kusina kasama si mama. Nagmano naman ako sa kanya pagdating ko ro'n.
"So, Liah nandito kami para ipaalam sayo na magiging isa ka sa mga sunday school teachers namin. Si Ate Carmela mo kasi i-aassign namin sa mga juniors. Ikaw naman do'n sa mga chikiting na bata na sobrang jolly at cute." Balita sa akin ni Pastor.
Napanganga ako sa sobrang pagkabigla. "Hala. Ah eh, sure po kayo riyan pastor? Marami naman pong iba riyan na kaya 'yan." Napatingin naman ako kay mama na nangingiti.
"Naku, Liah. Alam kong maraming iba pero ikaw ang nakita naming malapit sa mga bata. Mahilig ka sa mga bata, ramdam ko at alam ko rin na 'yon din ang plano ni Lord sa'yo." Aniya pa.
Napaluha naman ako sa sobrang galak. "Sa Diyos lahat ng kapurihan pastor. Salamat po."
Hindi ko lubos maisip na ganito pala kung tinawag ka ng Diyos. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng salitang "purpose" sa buhay ng tao. Salamat kay Alec at naging bahagi siya ng kung anong meron kami ngayon.
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritualEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...