Part 29

13 1 0
                                    

[Flashback, 1 year ago]

"Hi, Liah. It's good to see you here."

Nandito ako ngayon sa Regional Summit ng mga Pastors. Ininvite lang ako ni Tita Eloisa at dahil bakasyon pa naman ay pinaunlakan ko na.

“Hello, Andreia! Oo, kakarating ko lang uh, kasama sila mommy mo.” sagot ko sa kanya.

“Yup. Actually sasabay dapat ako sa inyo kaso kailangan talaga naming mauna. Kami kasi ang tutugtog for the whole duration ng Summit.”

Napahanga naman ako sa sinabi ni Andreia. Silang magkakapatid ay mga musikero at musikera talaga. Pero hindi ko aakalain na ginagamit sila sa ganito kalaking gawain. Ang Regional Summit ay para lang sa mga ministers pero invited pa rin naman ang iba sa kung sino ang gustong pumunta.

“Wow. God bless sa inyo. Sige punta na ako sa upuan nila Tita.” Pagpapaalam ko.

Agad akong tumungo sa kinauupuan nila Tita. Nasa linya ng upuan namin sila Pastor at Ate Carmela. May anim na space sa gitna ng linya namin, siguro sa magkakapatid 'to.

Maya-maya'y nagsimula na ang evening service. Pangalawang gabi 'to ng Regional Summit.

Give me Jesus
Give me Jesus
The One who broke this chains and took away my shame,
There is only One for me.

It was a blast! Kay sarap magpuri sa Diyos. Iba ang feeling pala kapag mga ministers na ang kasama mo sa pagpupuri, para akong nasa langit na.

Nagpatuloy ang evangelistic service. I was crying the whole duration ng preaching.

The enemy is not fighting of what you have done. The enemy is fighting for what you will become! Iisipin ko pa lang ang mga kinakaharap kong battles sa mga nakaraang buwan, taon ng buhay ko hindi naging madali sa akin ang lahat. May silent battles akong kailangang harapin at salamat sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan sa mga panahong 'yon at ngayon nandito ako sa buhay na minsa'y hindi ko inaasahang mararanasan ko.



“Hello I am Althea Gallego, from Tabernacle of God Church. It's nice meeting you, Liah.” Nakipagkamay sa akin si Althea, babaeng kasama ni Alec, sa akin.

“Nice to meet you too.” Nginitian ko siya.

Pauwi na kami sa transient na inupahan namin, fully-booked ang mga hotel kaya sa transient kami nangupahan pansamantala.

“Alec, bili muna kayo ng pagkain. Si Liah nalang isama mo.” Utos ni Tito Solomon sabay abot ng susi ng sasakyan nila.

Wala kaming nagawa ni Alec kundi ang sumunod.

Habang naghihintay sa order ay nagtanong bigla sa akin si Alec.

“Kumusta?”

Alam kong ako ang kinakausap niya kasi wala naman kaming ibang kasama.

“A-ayo-s lang.” Medyo nautal pa akong sumagot.

“I'm sorry if I didn't talk to you for the past months. Nakokonsensya ako pero kailangan ko 'yong gawin, Liah. I wasn't sure of anything. I have been thinking if it's just me or it's the Lord's will but the conviction told me, nand'yan na ang tao, ang panahon nalang ang wala pa. After that conviction, mas pinili kong unahin ang ministry ko kaya hindi mo na rin ako gaanong nakikita dahil busy ako sa ministry. I have lots of workshops to attend, sa manila, sa cebu. I am part of the National Music Commission kasi. At sa totoo lang ngayon lang kita nakita ulit. I'm glad, you're growing spiritually too.” Mahabang litanya ni Alec.

“Uh, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero mainam 'yan kasi diba, kailangan unahin ang paglago sa sarili at bahala na ang Diyos na humanap ng kasabay mo sa paglago.”

“Yeah. When you put God first, everything will follow. Hindi naman apektado ang mga ministry mo sa pag-aaral?” Pag-iiba niya ng usapan.

Nakakatuwang isipin na gano'n ang tanong niya. Oo nga naman diba, when you say God first, it also talks about prioritizing your ministry. Dapat hindi tinatanong kung nakakaapekto ba ang ministry sa pag-aaral, instead you should put more emphasis sa ministry mo, for this is the thing that will last eternally. Ang pag-aaral, ang katalinuhan lilipas din yan, pero ang ginawa mo para sa ikakaluwalhati ng Diyos ang siyang mananatili.

“Hindi naman. Namamanage ko ang oras ko. Tho sa time management ko, hindi ko na isinasama ang pagsosocial media.” Sagot ko. Ewan pero biglang nanumbalik ang pagiging komportable ko sa kanya.

“That's good. Kaya pala walang update sayo sa facebook.”

“Uh, oo hindi kasi ako nakakapag-open na kasi busy nga.” napakamot ako sa ulo ko.

“Who wouldn't admire you?” Buntong-hininga niyang sabi. “Walang nanliligaw sa'yo?”

“Alec, sobrang busy kong tao at hindi pa ako graduate, do you think, maisasali ko sa oras ko ang bagay na 'yan?”

“I was just asking. Maybe my prayers did work.” He chuckled.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon