"Kumusta ang lakad niyo ni Hannah, 'nak?" Tanong ni mama sa akin habang kumakain kami ng hapunan.
"Okay naman po ma. Ang dami ko pong natutunan, ma. Baka nga po mag-aapply kami ni Hannah do'n e."
"Bakit? Ano bang ginawa niyo, 'nak?"
"Livelihood seminar 'yon ng bagong branch ng kompanya nila rito, ma."
"Anong klaseng kompanya, ate? Baka mamaya gaya lang 'yan ng ibang kompanya rito ah." Sabi naman sa akin ni Tantan.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Kadalasan kasi sa mga kompanya rito'y puro pagawaan ng mga pagkain gaya ng junk foods at sardinas. Hindi ako nag-apply kasi ayoko sa gano'ng trabaho. Mas gusto ko pa sa palengke.
"Hindi naman, Tan. Pagawaan sila ng mga desenteng damit. Teka, kukunin ko 'yong design." Sagot ko at agad tumungo sa kwarto kung saan nando'n ang design na ginawa ko at pinakita kela mama.
"Wow, anak. Ang ganda nito." Namamanghang sagot ni mama.
"Paano mo 'yan tatahiin, 'te? May tela ka ba? May makenirya ka?" Tanong ulit ni Tantan.
"Mayro'n akong tela at nasimulan ko na. Tatapusin ko bukas sa bahay ni Aling Merced. Makikihiram ako sa gamit niya do'n." Ngiting saad ko sa kanila.
Kaya naman kinabukasa'y maaga ako kina Aling Merced dahil pagkatapos kong maglaba sa kanya'y gagawin ko na iyong nasimulan kong damit. Pumayag naman siyang hiramin ko saglit ang gamit niya.
Kasalukuyang ginagawa ko ang damit ko. Ang ganda pala 'pag naging totoo na ang ginuhit mo. Tapos na ako sa paglagay ng bids sa may bandang bewang, patch nalang ang kulang at tapos ko na ito.
"Thank you Lord!" Sigaw ko nang matapos ko na. Ang ganda sa mata. Kulay puti ang tops nito na may patch sa gilid na red rose habang ang palda nama'y kulay pula habang kulay puti rin ang bids na nasa may bandang bewang.
Agad kong nilinis ang mga kalat ko at naghanap ng pwedeng mapaglagyan ng natapos ko nang gawing damit. Pagkatapos noo'y sinarado ko na ang bahay nina Aling Merced.
Paglabas ko sa may gate ay sakto namang pagkarating ni Aling Merced.
"Aling Merced, salamat po sa pagpapahiram ng gamit niyo po. Natapos ko na po at nilinisan ko na rin ang bahay niyo. Salamat po ulit, una na po ako." Nakangiti kong paalam sa kanya.
"Meryenda muna tayo, iha." Sabi niya sa akin.
"Ay naku 'wag na po. Sa bayan nalang po. Dadaan ako ngayon do'n e. Salamat po ulit."
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritüelEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...