Part 20

16 1 0
                                    

Iyon ang Linggo na nagpabago sa buhay ko, sa buhay namin nila mama. Hindi ko alam na ang laking bahagi nila Alec sa buhay naming magpamilya. Pagkatapos noong araw na 'yon ay nagdesisyon kaming magpabautismo sa pangalan ni Hesus. Oo, sa pangalan Niya lang dahil walang ibang ngalang ipinadala rito sa lupa bukod sa pangalan Niya. Pero bago 'yon ay nag-Bible study muna kami sa sumunod na linggo. Kailan muna naming maintindihan ang lahat at salamat sa Diyos at naunawaan naman namin at ngayon ay ganap na kaming tapapaglingkod ng Diyos.


Ngayong araw ay pangalawang linggo na ng pasukan namin. Parehas kami ng school nila Alec, 'yon nga lang ay third year na siya samantalang first pa lang ako at naging kabatch ko pa si Alexandreia. Ang sabi pa ni Tita Eloisa ay mas mainam nang dito ako para mas maka-bonding ko pa raw ang Salmo. Kaya wala akong nagawa.

"University of St. Thomas" basa ko sa Unibersidad na pinapasukan namin. Kaya rito kami nag-aaral kasi nandito 'yong course na gusto namin, no choice pero may mga exemption naman sa mga activities ang mga kagaya namin.

Kasalukuyan akong naglakbay patungo sa room ko nang biglang may tumawag sa'kin.

"Liah." Tawag ng pamilyar na boses sa akin. Agad ko naman itong nilingon.

"Ano 'yon, Alec?"

"Hindi ka sumabay sa amin." himig na may pagtatampo niya.

Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Sa totoo lang kasi ay mula no'ng pasukan ay sinusundo niya ako sa amin para sabay raw kami. Kaya ngayon ay mas inagahan ko ang pag-alis para 'di na makasabay sa kanila.

"P-pasensya na, A-alec may gagawin kasi ako kaya nauna na ako." hinging paumanhin ko.

"Ayos lang. Sige una na ako. Have a blessed day, Liah." nakangiti niyang saad at umalis na.

Buong araw akong nakatunganga na naman dahil walang professors na dumating. Ang sabi sa akin ay ganito raw talaga pag first year, hindi rin fixed ang schedule kaya mas minabuti kong tumambay muna sa mga benches sa gilid ng oval na nasa ilalim ng mga puno. Ang payapa ng paligid at napaisip na naman ako sa mga bagay-bagay.



"Kumusta iha?" sabi sa akin ni Tita Eloisa nang matapos niya akong hagkan. Oo, nandito ako ngayon kasalukuyan sa bahay nila. Inimbitahan kasi ako ni Andreia at dahil maaga pa naman kaya sumama na ako.

"Ayos lang po." Sagot ko naman.

"How about school? Mahirap ba?"

"Uh, siguro makakapag-adjust naman po ako. Masasanay rin." nahihiya kong tugon.

"Dali ka, pasok. I prepared some snacks kasi alam kong pupunta ka rito, binilin ko sa kanila na papuntahin ka rito." pag-aya niya sa akin.

"Bakit naman po?"

"Wala lang. Siguro, namiss lang kita."

Pumasok na kami sa dining are nila at doon kami nag-uusap hanggang sa mapadpad ang usapan namin sa mga campus ministry. Nagsimula na pala sila Alec at Andreia kasama ang iba pang kapatiran sa school. Ang galing lang. Pati sa school nagwowork din ang Diyos sa buhay ng mga estudyante. Sabi pa sa akin ni Andreia minsan na silang nag-concert crusade doon. Inaallowed naman nila ang mga gano'n pero hindi nga lang sa covered court. Sa mini-theater lang hiniheld. Excited tuloy ako sa mga mangyayari sa mga sumunod na araw.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon