"Anak, bukas, sama kaya tayo kela Alec? Gusto kong magsimba." Sabi ni Mama sa akin.
Kasalukuyan kaming nag-aagahan nila mama. May duty pa rin ako ngayon pero mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon lang. Hindi gano'n kaloaded ang office hours kapag sabado dahil kadalasan sa mga empleyado rito'y kagaya rin nila Alec. Base sa narinig ko'y pagka-out sa hapon, karamihan ay dumidiretso na sa simbahan nila dahil may practice. Ininvite nila ako pero di pa ako nakapunta.
"Pwede rin po. Sasabihan ko lang si Alec. Baka magkita kami mamaya." Sagot ko naman.
"Magchuchurch tayo ate?" Bigla namang tanong ni Tantan.
"Oo, tan. Excited ka ba?" magiliw ko namang sagot.
"Opo. Sa wakas makikita ko na rin si Jesus. Alam mo ate nag-aaway pa mga kaklase ko dahil diyan. Sabi kasi nila si Jesus daw maitim, mayro'n ding nagsasabing maputi, may malaki, may maliit, pero ang sabi sa amin ni Kuya Alec, si Jesus daw ay walang histura dahil Siya'y Espiritu. Sabi niya pa sa'min ni mama dapat sambahin Siya sa Espiritu at Katotohonan." Mahabang lintanya niya sa akin.
Napatingin naman ako kay mama. Ang talinong bata nitong si Tantan at parang ang daming naririnig na hindi malimot-limotan.
"Uh, ang importante Tantan e nagsisimba tayo."
"Ate enough lang po ba ang pagsisimba para ma-save? Tsaka po, saved na po ba tayo? Kung hindi pa po, bakit di natin bigyan ng importansya ang kaligtasan, ate?" Tanong niya pa.
Napanganga naman ako sa pinagsasabi niya. Nangangapa pa ako ng pwedeng isagot nang si mama na ang nagsalita.
"Anak, maiintindihan mo rin yan balang araw. Sa ngayon ay sapat na muna ang mga tanong at kaalaman mo sa Diyos. Ang importante magsisimba na tayo. Bata ka pa. Maiintindihan mo rin lahat ng tanong mo sa darating pang panahon." Mahinhin at mahinahong sagot ni mama.
Nagpatuloy naman kami sa pagkain habang ang isip ko'y lutang, iniisip ang sinabi ni Tantan. Bakit nga ba hindi namin mabigyan ng importansya ang kaligtasan? Panahon na siguro para magbago na kami.
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritüelEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...