Part 7

15 2 0
                                    

Pagkatapos kumain ay konting pahinga muna at pagkatapos ay tinuruan kami kung paano tahiin ang mga damit. Medyo mahirap siya pero 'pag gamay mo na ay mag-eenjoy ka ulit hindi alintana ang pangangalay. Tatlong oras ang ginugol namin do'n sa parteng iyon pagkatapos ay patapos na kami sa event na 'yon.

Bago matapos ang event ay binigyan muna kami ng konting grocery package at certificate at inimbitahan pa kami sa opening nila sa susunod na linggo at pwede raw kaming mag-apply do'n kahit bukas na.

"Salamat sa pagdalo at God bless po sa inyong lahat." Sabi no'ng lalaking nakausap ko kanina.

Tumayo na kami ni Hannah at dumeretso na sa pag-uwi bitbit ang telang nasimulan ko na sa pagtahi at 'yong mga designs ko at 'yong grocery package at ang certificate. Grabe 'yong saya ko ngayong araw.

"Ang babait nila 'no. Tsaka naiiba pa sa atin. Siguro aliens sila na pinadala dito sa atin." Bigla namang saad ni Hannah habang naglalakad kami.

"Hoy anong alien ka diyan. Tao pa rin sila! Siguro nga lang mas pinagpala pa sila nang sobra." Sagot ko naman.

"Grabe 'yong pabor ng Diyos sa kanila bes. Bakit biglang naging unfair 'yong buhay?" Kunot-noong tanong sa akin ni Hannah.

Napatigil naman ako sa paglalakad at sinagot siya. "Hindi unfair ang buhay, Hannah. Oo may pinanganak na mayaman, mayro'n ding hindi pero kung natututo kang maging masaya at kontento sa kung anong mayro'n ka ngayon, 'yong ang totoong pinagpala. Hindi naman bulag ang Diyos, sadyang kailangan muna natin gawin ang dapat gawin kasi nga di ba nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa kaya 'wag kang mag-isip ng ganyan." Nakangiti ako habang sinasabi ang mga iyon at nagpatuloy na kami sa paglalakad para makauwi na kami sa aming bahay.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon