"Mallari, Athaliah Ruth"
This is it. Naglalakad ako papuntang stage. Graduation ko ngayon. Sinong mag-aakala? Kay bilis ng panahon. Gano'n ata 'pag masaya. Sa loob ng apat na taong nagdaan, wala akong ibang masabi kundi salamat sa Diyos. Ang dami Niyang biyayang binigay sa amin nila mama. At isa itong nangyayari ngayon.
"Congratulations" sabi noong president ng school namin habang nakikipag-shakehands sa kanya. Hawak ko na ngayon ang diploma. Dating pangarap at nagkatotoo na.
--------
"And here she is, our beautiful fresh graduate lady. Let's give her around of applause." Intro ni Ate Carmela, emcee ngayon sa thanksgiving. Isang linggo ang nakalipas mula no'ng naka-graduate ako. At ayon nga sa napag-usapan, may thanksgiving celebration kami.
Nagpalakpakan ang mga tao habang naglalakad ako patungo sa upuang nakalaan sa akin sa harap. Parang debut lang.
Nagptuloy ang program. May mini service at mga message. Parang birthday ko tuloy.
"So at this juncture, let's hear a message from our dear Athaliah."
Agad naman akong tumayo at nagsimulang magsalita. Binati ko muna ang mga panauhin.
"Unang-una po sa lahat nagpapasalamat po ako sa Diyos at natagpuan niya kami." Paunang salita ko sa harap. Totoo yon. Kung hindi dahil sa kanya ay wala kami sa kung saan kami ngayon. Totoo ngang may promise si Lord. Ang promise ni Lord ay palaguin ka, hindi yong sisirain ka. Bagkus, bibigyan ka pa ng magandang kinabukasan.
"Maraming salamat din po sa pamilya ni Tita Eloisa at Tito Solomon. Isa kayo sa mga taong tatanawin ko ng utang na loob. Napakabuti niyo po. At sa lahat ng sumuporta sa akin, sa mga nagpipray sa akin, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sa mga kachurch ko, taos puso po akong magpapasalamat. At ang lahat ng kaluwalhatian at papuri ay sa Diyos lamang."
Matapos kong magsalita ay nagpicture muna saglit pagkatapos ay kumain na kami.
"Hey. Congratulations." May malaking ngiting bati niya sa akin habang kinalabit ako.
"Uh, salamat."
"Buti nakaabot kayo, Alec." Sabi ni Mama.
"Pasensya na po, tita, nalate. Hinintay ko pa po kasi si Althea. Anyway, tita si Althea po. Althea, this is tita Carmela and Athaliah."
Nakipagkamay naman ito sa amin. Althea pala ang pangalan no'ng babaeng kasama niya noong opening.
Nginitian ko naman silang dalawa at hindi na nagsalita. Hindi ko alam pero parang may kunting puwang ang puso ko na hindi maipaliwanag.
"Kain na kayo, Alec. Suit yourselves here." Nakangiti kong turan.
Pagkatapos noo'y nakipaghalubilo naman sila sa iba pa.
"Anak, girlfriend ba 'yon ni Alec?" Pagkuwa'y tanong ni mama sa akin.
"Hindi ko alam ma. Wala namang nasabi sa'kin." Sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
God Bless the Broken Road
SpiritüelEvery long lost dream, lead me to where you are. Others who broke my heart, they were like northern stars. Pointing me on my way into your loving arms. This much I know is true, that God bless the broken road that led me straight to you. ___________...