chapter 6

88 61 12
                                    

this chapter is dedicated to binibining_dagatan po kasing nasa notif ko☺️

"mary jhone gising" naramdaman ko ang marahas na pagyugyog ng kung sino sa balikat ko .

minulat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa sobrang liwanag ng paligid.

"ano ka ba. tumayo ka na dyan at may misyon ako para sayo" unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin si reyna skyria na naka asul na kasuotan. nilibot ko ang mata ko sa paligid at nagulat ako dahil puro itim ang nakikita ko. mula sa kurtina, higaan, unan,pati ang kumot ay kulay itim. iba ito sa kwartong pinagdalhan sakin nuon ni reyna skyria. huminto ang paningin ko sa medyo malaking salamin sa tapat ng malaking kama.

namangha ako ng makita ng dalawang mata ko ang kasuotan ko. kulay itim iyon pero may bahid ng puti sa dulo. pati ang pagkakatali sa buhok ko ay napakaganda. tinirintas iyon ng pabilog. bumagay sa kulay brown kung buhok na natural ang pagkakakulot. may sout din akong tiara na kulay itim. may bahid iyon ng ginto at pula ang brilyanteng nasa gitna niyon. may suot suot din akong kwintas. simple lang iyon. may simbolo na parang araw sa gitna niyon.

natigil lang ako sa pagpapantasya sa aking sarili ng may magsalita

"mary jhone. kaylangan mong kausapin at kumbinsihin ang mga ducem mediocris. nais ka nilang makita upang sa atin sila pumanig" napatingin ako kay reyna skyria.

"d-ducem... m-mediocris?",

"sila ang mga pinunong engkantada. sila ang sumunod na pinakamataas sa buong royaume entier. kaylangan nating silang mapaanib sa atin ng sa gayon ay mas lumakas ang pwersa natin laban sa mga regnum ignis"

ANOTHER GLIMPSEWhere stories live. Discover now