this chappy is dedicated to 09menggay19 chour hahaha dedicated sa sarili ko. may angal?
enjoy reading💖
CHAPTER 23
' its hard to turn the pages when you know someone won't be in the next chapter. but the story must go on -unknown author'tama. mahirap talaga ang magpaalam. mahirap. masakit. masakit isipin na sa susunod na pag-gising mo, wala na yung mga dating kumokumpleto sa araw mo. masakit isipin na dadating ang panahon na ang dating gumigising sayo tuwing umaga, ay hindi mo na makakasama. masakit isipin na ang mga taong pinagkukunan mo ng lakas tuwing nanghihina ka, hindi mo na makikita pa.
kasi darating ang panahon na, halos lahat sila ay aalis sa buhay mo hanggang sa matira nalang yung mga taong totoong nagmamahal sayo. yung totoong nagmamalasakit sayo.
kasi ang lahat ay may hangganan. ang lahat ay natatapos. ang saya ay hindi magtatagal. ganoon din ang lungkot. balang araw, mawawala rin ang sakit. balang araw matitigil na ang iyong paghihinanakit. dahil hindi lahat ay tumatagal hanggang dulo. hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi mo.
hindi mo masasabi kung kelan magtatapos ngunit hindi mo din masasabi kung kailan magsisimula.
hindi mo masasabi kung mula saan at hindi mo din masasabi kung hanggang saan.kaya habang may oras ka pa para makasama sila, sulitin mo na. habang nakikita mo pa silang masayang nakangiti sayo, sulitin mo na. habang nakikita mo pa silang nakatayo at lumalaban para sayo, sulitin mo na. dahil balang araw mamaalam na sila.
naramdaman kong lumandas ang mga luha sa aking pisngi. hindi ko yon pinunasan at hinayaan nalang.
' balang araw... iiwan ko din kayo para sa kapakanan ng ibang tao. patawad. masyado akong mapagbigay kaya pati ang kahilingingan nila ay ibinigay ko. pero kung hihilingin ninyo na wag na akong umalis at manatili nalang sa tabi nyo, mukang hindi ko kayo mapagbibigyan' pinakatitigan ko ang larawan namin na magkakasama.
'mahal na mahal ko kayo mga kuya' pinunasan ko ang aking pisngi at tumayo. ibinalik ko sa lamesa ang larawan namin at dumeretso sa banyo.
tumingin ako sa salamin at hindi na ako nagulat nang makitang pulang pula ang buong mukha ko. binuksan ko ang gripo at naghilamos. ilang beses ko pa iyong inulit para kahit papaano ay mabawasana ang pamumula nito.
nang makuntento ako ay lumabas ako ng banyo at bumaba sa kusina.
kalalabas ko lang ng ospital kanina. hindi pa nga ako pinayagan ni kuya Chris dahil kaylangan ko pa daw ng pahinga pero makulit ako at sabi naman ng doktor na maaari na akong lumabas sa ospital. wag ko lamang daw bibiglain ang aking sarili at wag maglikot upang tuluyan nang gumaling ang aking katawan.
naalala ko tuloy ang reaksyon nila nang makita ang katawan ko. naglaho na kasi doon ang mga sugat at pasa.
ilang minuto lang ay pumasok sa silid na kinaroroonan ni Mary Jhone ang kuya Chris n'ya upang i-check ang kanyang lagay.
YOU ARE READING
ANOTHER GLIMPSE
Fantasycredits to: stylesoftimothee for the cover❤️ "In order to succeed you need to sacrifice" Mary Jhone grew up hearing those words. what she didn't know was what those words meant to her and how big they will impact her life. when Mary Jhone finds out...