chapter 12

61 55 8
                                    

dahil nagrank 2 ang photine sa tag na #unhappiness here is another update☺️ dapat ay sa susunod na araw pa ako maguud pero sobrang na overwhelmed ako. out of 5+ na stories ang photine ang nag rank two!! sobrang saya ko ☺️ keep it up i love you all❤️❤️

MARY JHONE

"s-san ba tayo pupunta?" umiwas ako ng tingin ng lumingon sya sa akin. bigla nalang nya kong hinila kanina paglabas ko ng kwarto. hindi pa din kami naguusap dahil sa nangyari kanina. pati ata sya nahihiya

"k-kaylangan mong bumalik sa mundo ng mga tao beatrice" kumunot ang nuo ko nang lumingon ako ulit sa kanya. nakababa ang tingin nya sa sahig ngunit halatang namumula ang muka.

"bakit naman kaylangan kong bumalik?" nagumpisa syang maglakad at nakasunod lang ako

"a-ano...k-kaylangan mong pumasok sa eskwela hindi ba? ipapatawag ka nalang ulit namin kapag maguumpisa na ang pagsasanay mo" mas lalong kumunot ang nuo ko.

"ahh.. nasaan si reyna skyria?" kanin ko pa sya hinahanap sa totoo lang. mula kasi nang nagpaalam sya saking may aasikasuhin lang, hindi na sya bumalik. sabi pa naman nya babalik sya.

"may kaylangan pa syang tapusin na trabaho kaya ako muna ang maghahatid sayo" tumango ako kahit hindi nya ko nakikita dahil nakatalikod sya saking naglalakad.

nang makalagpas kami sa isang pintuan ay sinalubong kami ng mga gwardya.

"kamusta ang mga pangkat" halata ang pagaalala sa boses ni Ackley ng tanungin nya ang isa sa mga gwardya. pinakinggan ko lang silang magusap.

"maayos naman po ang apat na pangkat. pati narin ang pangkat na maghahatid sa mga mamamayan sa ligtas na lugar" pumantig ang tenga ko ng marinig ang huling katagang sinabi ng isang gwardya.

"anong nangyayari?" napatingin sa akin si Ackley pati na rin ang mga gwardya. hindi ata nila iniisip na nakikinig ako sa kanila.

"w-wala yon" masungit na sagot ni Ackley pero hindi ko sya pinansin. sa halip ay lumingon ako sa isang gwardya.

"ano ang nangyayari?" tumaas ang boses ko ng tanungin ko ang isang gwardya. gulat naman syang tumitig sa akin na para bang hindi nya inaasahan na sya ang tatanungin ko.

tumingin sya kay  Ackley bago nagaalinlangang tumingin sa akin

"w-wala po iyon numen" batid kong hindi sya nagsasabi ng totoo. tinaasan ko sya ng kilay at muling tinanong

"SABIHIN MO ANO ANG NANGYAYARI?" mukang natakot naman sya kaya sumagot

"s-susugod po ang regnum ignis" inis kong nilingon si Ackley

"et non loquaris mihi quidem molestum est?" (and you didn't even bother to tell me?) umiwas sya ng tingin.

"non postulo scio" (you dont need to know) sinubukan kong bumalik sa pintong pinaglabasan namin kanina pero wala na ito roon. sinubukan ko pang hanapin ngunit wala talaga

"halika na mary jhone kaylangan mo nang umalis" malumanay ang tinig nya. nakikiusap.

"hindi. ako ang prinsesa ng kahariang ito! paano ko magagawang iwan ang mga mamamayan na nasasakupan ko?" sigaw ko sa kanya.

"kaya na nila yan halika na" nagsisimula nang mawala ang malumanay nyang boses at napapalitan ng inis.

"hindi. hindi ako aalis. aalis lang ako kapag maayos na ang lahat" pagmamatigas ko

"at anong gagawin mo? paano mo ililigtas ang mga mamayan?" inis na tanong nya sakin. natigilan naman ako dahil don.  "sabihin mo. paano mo sila maililigtas kung hindi mo pa alam kung paano palabasin ang kapangyarihan mo. makakadagdag kalang sa problema. kaya na namin ito. pangako...pagmaayos na ang lahat kukunin ka namin"

tama  sya... ano nga ba ang magagawa ko? ano nga bang silbi ko? wala. wala akong kwenta...

"h-hindi...hindi ko kayo iiwan dito" nagsisimula nang mangilid ang luha ko

"patawarin mo ko"

biglang nagdilim ang paningin ko at tuluyang nilamon ng antok.

.

"mary jhone!!mary jhone! are you okay?" minulat ko ang mata ko. at sumalubong sa akin ang muka ni deinary

"dei?"

"yes.yes its me! are you okay?"  tumango lang ako sa kanya. nilibot ko ang mata ko.

hindi pamilyar ang lugar

"nasan ako?" kumalma naman ang muka nya na kaninang ninenerbyos

"nandito ka sa apartment ko. nakita kita kanina sa tapat ng pinto na walang malay. ano bang ginagawa mo rito? at tsaka ano yang suot mo?" napatingin ako sa suot ko. yung parehong bestida na suot ko sa naturaleza.

napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko iyon. nasa panganib sila!

"mary jhone. wag ka munang tumayo mahihilo ka" tumakbo ako palabas ng kwarto nya. akma na sana akong lalabas ng apartment nya ng may maalala ako. bumalik ako sa loob ng kwarto nya at nadatnan ko syang nakatitig sa pinto

"pwedeng pahiram ng damit?"

ANOTHER GLIMPSEWhere stories live. Discover now