A/N: grr. nilalamig ako😄 wattpad nalang muna ayokong mag fb nakakatakot si robert the doll😌
"Beatrice.. gising" minulat ko ang mga mata ko. nandito ako ulit sa NATURALEZA. kinusot ko pa ang mata ko bago ako umupo sa kama.
"bakit nandito na naman ako reyna sky?" ngumiti sya sakin at inayos ang magulo kong buhok.
"dahil may gustong kumausap sayo beatrice" kumunot naman ang nuo ko?
"sino naman?"
"ang pinakabatang ducem mediocris"
"yung batang yun. bakit daw?" huh. akala nya ba nakalimutan ko na kung pano nya ko sinagot sagot dun sa consilio locus.
"hindi ko alam. mabuti pa magayos ka na at bumaba sa hardin kanina ka pa niya hinihintay" . hinaplos nya muna ang ulo ko bago sya lumabas ng kwarto ko. oo kwarto ko to. lagi ba naman akong gumigising dito eh. malamang kwarto ko na to.
nagayos ako kahit na hindi naman na kaylangan like come-on da ganda kong to? pero syempre kaylangan magmuka akong tao sa harap nya kahit na hindi naman talaga ako tao. ano nga ba ako? diwata? anghel kasi nasa langit ako? ohhh basta maganda ko yon ang mahalaga.
tinahak (wow lalim) ko ang daan papunta sa hardin.
pano ko nalaman kung saan? syempre may may sign
garden👉 oh diba?
pagbukas ko ng pinto na nagsisilbing harang ng palasyo at ng hardin, mga naglalakihang puno ang umagaw ng atensyon ko. pulos berde ang nakikita ko may mahabang pathway ito na syang sinundan ko. akala ko ay mararating ko na ang hardin pero mukang sinadya itong gawin upang pahirapan kung sino man ang pupunta sa hardin na iyon.
dahil may isa pang parang lagusan na kaylangang daanan. gawa iyon sa mamahaling salamin na napapaligiran ng mga halaman ang labas.
sobrang namangha ako sa itsura niyon. kung hindi lang talaga ako nagmamadali ay baka nagpicture pa ako don.
teka. bakit nga ba ako nagmamadali? eh ano naman kung paghintayin ko sya? pakialam ko naman sa kanya.
YOU ARE READING
ANOTHER GLIMPSE
Fantasycredits to: stylesoftimothee for the cover❤️ "In order to succeed you need to sacrifice" Mary Jhone grew up hearing those words. what she didn't know was what those words meant to her and how big they will impact her life. when Mary Jhone finds out...