dahil nasiyahan ako sa naging result ng thantophobia. here is another update☺️ gosh hindi ko akalain na magra-rank1 ang thantophobia. salamat☺️❤️
#bloodthirsty
warning:there are some inappropriate words below. like curses etc. just saying,☺️ sorry po sa typo and wrong grammars. marami po yon sa baba
happy 200+ reads☺️ enjoy reading☺️❤️
MARY JHONE
"mamili ka nalang dyan" naghahalungkat ako sa walk in closet ni deinary na kakasya sakin. hindi kasi ako pwedeng lumabas nang nakagown noh. para naman akong baliw non
"ano ba to. halos kita na kaluluwa nito ah. wala bang mas disente dito ng kaunti?" grabe naman kasi tong mga damit nya. kinukulang naba sa tela ang pilipinas?
"ano ka ba ganyan ang uso ngayon. masyado lang kasing pang manang ang damitan mo" inis na singhal nya sakin. sinimangutan ko lang sya at nagpatuloy sa paghahanap.
"wala ka bang jeans at t-shirt?" tiningnan nya naman ako na parang ako ang pinaka jejemon na nakilala nya. bakit ba eh yon ang type ko eh.
"wala akong jeans. hayyss ako na nga ang pipili" marahan nya kong tinulak patabi para maka pasok sa closet nya.
nakasimangot naman akong umupo sa kama nya.teka.. paano ko nga ba malalaman ang daan papuntang naturaleza?
damn. ang bobo ko.
"eto oh. ito na ang pinaka-disente kong damit" isa iyong summer dress na above the knee. kinuha ko iyon sa kamay nya at nalulumong pumasok sa cr.
kahit gustuhin ko mang bumalik sa naturaleza, hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano.
"wow!grabe ang ganda mo friend!" bungad sakin ni deinary pagkalabas ko ng cr. sinimangutan ko lang sya. alam ko naman na tinutukso nya lang ako.
palibhasa first time kong magsuot ng dress. pero mas grabe yata yung gown no?."tigilan mo ko dei. may iniisip ako"
"ay wow! may isip ka pala" inambaan ko sya ng suntok at tatawa-tawang uniwas naman sya.
"pero hindi ako nagbibiro. ang ganda mo ngayon" hindi ko na sya pinansin at lumabas nalang ako ng kwarto nya. seriously? may mas gaganda pa ba sa kanya?
dahil nga hindi ko alam kung paano makakabalik sa naturaleza, dito nalang muna ako at maghihintay na ipatawag ulit ni reyna skyria. wala na kong pagasa na makabalik muli sa naturaleza kaya sa ngayon, ipagdarasal ko nalang na sana, walang masaktan sa kanila. sana magtagumpay sila laban sa regnum ignis.
"oy.. aalis ka ba? saan ka pupunta?" umupo sya sa tabi ko at binuksan ang tv.
"wala. hindi ko pala alam ang daan papunta don" kinuha ko ang remote sa kamay nya at nilipat sa action.
YOU ARE READING
ANOTHER GLIMPSE
Fantasycredits to: stylesoftimothee for the cover❤️ "In order to succeed you need to sacrifice" Mary Jhone grew up hearing those words. what she didn't know was what those words meant to her and how big they will impact her life. when Mary Jhone finds out...