A/N: SA LAHAT PO NG NAGPAPADEDICATE, HINDI KO PO KAYO MALALAGAY AGAD AGAD DALA-DALAWA MUNA
SA MGA NAGTATANONG KONG MAHABA DAW PO BA ANG STORY?
:YES! WALA PA SYA SA KALAHATI NANG NAPLAPLANO KONG MANGYAYARI! MARAMI PANG SCENES SA UTAK KO NA MANGYAYARI RITO. PERO HINDI KO SURE KUNG MAGANDA BA NA MAHABA OR HINDI SO ABANGAN!
MARY JHONE ON THE MULTIMEDIA 💙
DEDICATED TO; BlackAstraea and Marie_24 ❤️
HAPPY READING!
~09MENGGAY19
CHAPTER 19: SHE KNOWS!
MARY JHONE
nakaupo parin kami rito ni steph sa swing sa maliit na playground ng bahay ampunan. kanina pa pumasok sa loob si kurt pero hindi parin nagsasalita si steph. ayaw ko naman na magtanong dahil halata sa kanya na hindi nya rin alam kung paano uumpisahan.
tahimik na iniugoy ko ang swing gamit ang mga paa ko. nanatili akong nakatingin sa kalangitan at ninanamnam ang katahimikan.
"ate salamat" bumaba ang tingin ko sa kanya nang basagin nya ang katahimikan. kumunot ang nuo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi nya.
"para saan?" bahagya akong nakangiti nang tanungin ko sya. nagiwas naman sya ng tingin at tumingin sa kanyang mga paa.
"sa pagligtas mo samin ni kuya matthew kanina. alam mo na masasaktan ka pero tinuloy mo parin"
"ayos lang yon. wag mo na yon isipin" tumango lang sya at namayani na naman ang katahimikan sa aming dalawa. tanging paghampas lang ng hangin at huni ng mga ibon ang naririnig ko. kasabay ng mabibigat nyang paghinga.
"anong pakiramdam?" muli, kunot nuo ko syang tiningnan. magkasalubong na rin ang mga kilay ko at alam kong halata sa muka ko ang pagtataka.
"anong pakiramdam na maging prinsesa?" natigilan ako sa tanong nya. walang buhay ang mga mata nya nang lingunin ako. alanganin na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya.
"a-anong ibig mong...sabihin?" sarkastiko syang tumawa na para bang sinasabing 'talaga ba?'
"ano kako ang pakiramdam na maging prinsesa ng isa sa pinaka-makapangyarihang kaharian sa buong Royaume Entier?" humigpit ang kapit ko sa bakal na hawakan ng swing kasabay ng pagtigil ko sa pag-ugoy.
"p-pano mo n-nalaman?" seyoso syang tumingin sakin. wala paring buhay ang mga mata.
"sabihin nalang nating, isa ako sa mga taong gustong magtagumpay ang misyon mo sa Naturaleza. isa ako sa...matagal nang naghihintay sa pagbabalik mo"
"ano bang sinasabi mo" bahagyang tumaas ang boses ko.
"wag kang magalala. hindi mo ko kaaway...ngunit hindi mo rin ako kakampi."
YOU ARE READING
ANOTHER GLIMPSE
Fantasycredits to: stylesoftimothee for the cover❤️ "In order to succeed you need to sacrifice" Mary Jhone grew up hearing those words. what she didn't know was what those words meant to her and how big they will impact her life. when Mary Jhone finds out...