MARY JHONE
kanina pa ako alas tres gising pero hindi pa ko tumatayo. sinubukan kong matulog ulit pero nawala na yung antok ko.
I feel guilty
una.. umalis ako at sumama kay skyler withouts knowing what really happened to that bastard. baka may anngyari nang masama sa kanya kaya hindi sya bumalik. tapos iniwan ko pa sya don.
pangalawa. kinalimutan ko na may malaking problema na kinakaharap ang naturaleza pero heto ako, nagsasaya kasama si skyler.
pangatlo. iniwan ko si deinary na hindi ginagamot ang pasa nya. hindi din ako nagpaliwanag sa kanya. parang ang rude kasi, fiance nya yun, pero basta basta ko nalang hinila. kahit na hindi nila mahal ang isa't isa, fiance parin nya yun. ikakasal sya don.
pangapat. wala na palang pangapat. pero...
ahh basta nakakaguilty. hindi dapat ako nagsasaya ngayon.
"mary jhone. gising ka na ba?" tumayo ako para pagbuksan si kiya Chris.
"may bisita ka sa baba" napakunit ang nuo ko.
"sino?" nagkibit balikat lang sya bago umalis.
sino namang bisita yan? alas-kwatro palang ng umaga.damn.
dumeretso ako sa banyo at naghilamos. pinusod ko din ang buhok kong natural na kulot bago bumaba.
naabutan ko sila sa dining area
"morning bunso" tumayo ang mga kuya ko para batiin ako at halikan sa pisngi.
"morning" napatingin ako sa babaeng may katandaan na pero hindi maaalis ang kagandahan at kakinisan ng balat. naka white fitted dress na above the knee ito. at may nakakamatay na heels. naka sunglasses din ito kahit wala pang araw.
"ikaw ba si mary jhone?" mataray na tanong nya na nagpataas ng kilay ko.
"ako nga po. amy kaylangan po kayo?"
"tigilan mo ang anak ko" mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. .
"sino pong anak?" natigilan naman sya sa tanong ko.
"h-hindi mo kilala kung sino ang anak ko?"
"kayo nga po hindi ko kilala, anak nyo pa po kaya" napapahiyang umubo naman sya kunwari
"I am Kurt Matthew's mother" i was shocked of what i heard.
"at nandito ako para pagsabihan kang layuan mo na ang anak ko. pera lang naman ang habol mo sa kanya diba? how much? one million. two million? tell me. layuan mo lang anak ko. nakatakda na syang ikasal kay deinary kaya wag mo na syang landii-" hindi ko na sya pinatapos magsalita at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya
"landiin? kahit kaylan hindi ko nilansi ang anak nyo ma'am. kaya kung nandito lang kayo para insultuhin ako. umalis nalang kayo. at wag kayong magalala dahil hindi ko gusto ang anak nyo" tinalikuran ko na sya at umakyat sa kwarto ko. bahala sya sa buhay nya.
napatitig ako sa kisame ng kwarto ko.
paano ba magiging parte ng buhay ko yung hayop na kurt na yon? mukang puro hirap lang ata ang dala nya sakin ah
"bunso" tumayo ako at pinagbuksan ng pintuan si kuya seven
"umalis na sya. narinig namin yung pinagusapan nyo. ayos ka lang ba?" tumango ako at ngumiti.
YOU ARE READING
ANOTHER GLIMPSE
Fantasycredits to: stylesoftimothee for the cover❤️ "In order to succeed you need to sacrifice" Mary Jhone grew up hearing those words. what she didn't know was what those words meant to her and how big they will impact her life. when Mary Jhone finds out...