I went home by dawn.
Imbis na nahihilo na ako ng alak na nainom ko, I stayed sober after Varys talked to me.
Malalim na ginhawa ang hinugot ko habang naglalakad na ako pauwi. I made my self clear last night na naguguluhan ako at hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Wala na kasi akong alam kung anong sasabihin kay Van matapos nang gabing iyon.
I feel like I am freezing to death when 6am hits.
I saw my mother from afar na parang nag-aantay sa labas. Pero that was because papunta na naman siya for duty. Sana hindi niya napansin na wala ako sa bahay. Sana aakalain niyang natutulog lang ako sa kwarto. Shit, if ever nalaman niyang hindi ako umuwi talagang mag-aalala yun.
But I saw Mom calling a cab and she is in her uniform. Mabilis akong tumalikod nang napadaan na yung kotse. I went straight to the main door pagkatapos.
Ang bigat ng pakiramdam ko.
Ang bigat rin ng mata ko.
Kailangan kong matulog.Nang nakapasok na ako ay nakita kong may iniwan na breakfast si Mommy. Lucky as always. Tinignan ko yung nasa lamesa and found a note.
Hey sweetie. Didnt want to wake u up. Van told me u were having a general cleaning last night. Thank u! Oh and tell van u fell asleep already yesterday. He waited hours for u.
- Mom
I sighed with what Ive just read. He waited for hours.
I think I am having a headache. Uminom ako ng tubig at saka nagtungo sa kwarto ko. Bagsak akong napahiga roon at pinikit kaagad ang mga mata ko.
"Stop it. Ayoko nang mag-isip." Sabi ko habang pinipilit ang sarili ko na makatulog. Ang hirap.
Pagod ako pero buhay na buhay yung utak ko. Ang daming iniisip. Ang gulo gulo pa.
"Like I said, I loved them both." Sabi niya. "Pinagsabay ko sila."
"Jesel is gone. So is our baby."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Your baby?" I asked.
"Dont doubt his feelings, Angela. Kung takot kang wasakin niya ang tiwala mo, remember this. Matagal ng wasak ang tiwala ni Van. Pero nagtiwala siya sayo."
Tigil na, please.
Napabangon ako kaagad nang mapanaginipan kong nag-uusap pa kami ni Van at Varys.
Napayakap ako sa sarili ko habang nagsimula na namang umagos ang mabibigat na luha ko.
I was sobbing and overthinking at the same time.
Hindi ko alam kung maawa ba ako sa sarili ko o maawa kay Van Mentius.
Iniisip ko na mahirap para sa kanya lahat nang nangyayari sa nakaraan niya and I even slapped the truth in him that he was a cheater and that I cant trust him anymore. I am pretty sure nasaktan siya sa mga sinasabi ko sa kanya kagabi.
E, ako?
Nasaktan din naman ako ah.
Nahihirapan din naman ako.
Naguguluhan din ako.
Natatakot din ako.Mali bang magulat?
Mali bang magalit?
Mali bang umiyak?
Mali ba ang mang-iwan bigla?May reason lahat.
Nasaktan nga ako. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong magtampo. Pero ano? Bakit nagawa ko pa ding maawa sa kanya? Bakit I have the urge now to help him? Bakit pumasok sa isipan ko na tulungan siyang makabangon.
"Van needs you now."
Tangina, Varys.
BINABASA MO ANG
Van Mentius Lim: My Pain (Completed)
Romansa"My Pain is you, Van Mentius." - Angel Horfelia The story of "My Pain" revolves around Van Mentius Lim and his journey to finding love and acceptance. Van, tired of playing games and having ill-fated relationships, finally meets a girl who changes...