Kiss/Trip
"Captain, kakausapin daw tayo ni Coach para sa Sport's Fest" Sabi sakin ni Tam.
Kahati namin ang Basketball players sa training center dito sa school. At Oo, kitang-kita ko si Reco.
Ang angas niya maglaro, walang humpay, Aaminin ko, gwapo si Reco. Mestizo kagaya ng Daddy niya at Mommy nung bumisita sila sa bahay. Ganun na din yung kapatid niyang lalake.
Focus lang kami sa pagpapractice, magagaling yung mga kasama ko. Ipinagmamalaki ko sila, ibang klase yung kanilang liksi kapag hawak nila yung bola.
Habang break namin, ay paupo upo lang ako sa gilid. Malaki naman ang training center kaya kanya-kanya yung iba. Yung iba namang kasama ko ay kasamang kumakain yung mga basketball player. Dito narin siguro sila kumain kase nga malayo yung canteen.
Inienjoy ko lang yung Donut ko ng biglang may mangakbay saken. Yung amoy, pamilyar na pamilyar.
Si Rossi, "Ano na naman bang kailangan mo ha Reco?!" pasigaw kung sabi.
"Ito naman, si Honey ko. Di mo ba ako namiss?" sabay pout niyang sabi. Ha! Hindi bagay.
"At bakit naman kita mamimiss? aber?" sabi ko.
"Ito naman di mabiro, hehe" patawa niyang sabi.
Galit padin ako sakanya, andami na niyang ginawa saakin. Buti nalang nagpapapigil lang ako ng sarili. Ayuko kayang magmukhang warfreak kay Mason ko.
"Kamusta yung trip mo Lourdes?" wtf did he just call me by my second name?!
"Anong trip ang sinasabe mo?!" Galit kong tanong.
"Trip mo sa sahig ng hallway kanina HAHAHA" ng wala sa oras ay nasapak ko siya.
*PAK!
Agad niyang hinawakan ang mukha niya. Malakas yung pagkakasuntok ko kaya medyo nawala siya sa balanse.
"Ang sadista mo Honey ah!" sigaw niya sakin.
"Reco, tama na yan" May isang pamilyar na boses kaming narinig.
"Ano naman ang pakialam mo Mason ha?" Nagtatakang tanong ni Rossi kay Mason.
"Tigilan mo na si Stella" omg para akong nakalutang sa ulap. Pinagtatanggol ako nga taong gusto ko!
Kung iniisip nyo na tatakbo ako kay Mason at magtatago sa likod niya, nagkakamali kayo. Kung sa bagay nga kaya kung ipagtanggol ang sarili ko kahit wala si Mason ko.
"Wag mo sabihing may gusto ka diyan?! HAHAHAHA" Tinawanan niya lang si Mason. Seryoso lang ang mukha ni Mason.
Kilala kase si Mason sa school sa pagiging Mature niya, gwapo si Mason at mabait. Matalino kase si Mason at hindi ka hahayaang mapahamak. Tutulong at tutulong yan.
"Wala namang masama kung magkagusto ako kay Stella diba Reco?" tiningnan ko lang si Mason ng nagtataka. Si Reco naman ay namula sa galit. Problema niya?
"Syempre Oo!" huh Oo?
" Wala munang pwedeng magkagusto sakanya kase papahirapan ko pa yan! Madadamay ang tutulong sa kanya!
"Tumigil ka na nga Reco! Napaka immature mong tao!" hindi ko na mapigilan yung galit ko. Tinitiis ko lang talaga siya noon eh, kase ayaw kong magkagulo.
Kitang-kita naman sa mukha niya sa nagulat siya sa sinabi ko. "Ako immature?! Hindi kaya!" immature.
Lumipas ang oras namin sa training center. Pinauwi kami ng maaga kase may pag uusapan daw ang mga teachers tungkol sa Sport's Fest.
Hindi na ako nag alinlangan pa at dumiretso ako sa gym. Kahit naman na wala si Coach Jig ay nakakapasok ako. May spare key kase ako sa gym,pinagkakatiwalaan naman ako ni Coach.
Nang bubuksan ko na sana ay kotse ko ay bigla na lamang may humila saakin. Si Reco.
"A---ano ba! Nasasaktan ako!" reklamo ko.
"Ano bang problema mo!" sigaw niya sakin, nang pamansin kong something liquid is running on his face.
" Are you crying?!" gusto kong matawa kase isang Reco Rossi ay umiiyak sa harap ko.
"Why are---"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang halikan niya ako. Nakakaramdam ako ng kakaiba, pilit akong nagpupumiglas sakanya gamit ang mga kamay ko ng mas idiin niya pa ang halik.
Tila ba ay nalulunod ako sa mga halik niya, nalalasing ako kumbaga. Hindi ko alam ang gagawin, but i answered his kiss.
Copyrights@m_s