Chapter 2

1.3K 82 3
                                    

Emperor, Why me?
Chapter 2

'We met by chance'

Galit na umalis si kariya sa sinabi ni ama. Mabuti at napaalis ko na rin ang walang hiyang iyon. Wag syang mag alala.. magkikita pa kami.

"Anak.. totoo ba itong nakikita ko?" Hawak ni ama ang aking pisngi.

"Ang akala ko sasama ka na sa bastardong iyon.." ngumiti ako. Kung noon.. hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal ni ama at nagpaapi sa mga kapatid ko... na anak lamang ng mga concubine...

"Hindi  po ama...  kung mag aasawa man ako.. pipiliin ko ang gaya mo..." at sa tuwa ni ama.. nagpahanda sya ng maraming pagkain para magdiwang..

*sa hapagkainan*

"Nabalitaan nyo po ba ng nangyari sa ika-9 na prinsipe?" Tanong ni akane.

"Ama kamusta na po siya?" Sunod nitong tanong.

  Hindi ako makapaniwala na.. mabilis malilipat ang pagmamahal nya. Sa pagkakaalam ko dati pa lamang gusto naniya si prinsipe shindou. Pero.. ng malaman nyang di na ito makakahawak ng espada dahil sa nasirang kamay at may diperensya rin sa mukha... ay magbabago na ang PAGMAMAHAL nito. At... higit sa lahat.. ang ugaling pinakita nya... isa lang pala iyong malaking kasinungalingan.

Natapos ang gabing iyon at nasa may silid ko na ako.

"My lady.. my nais pa po ba kayo?" Tanong ng aking personal servant. Ngayon ko lang sya.. napansin...

Kung dati.. hinayaan ko lang syang manatili.. baka... sakali.. kahit papaano.. may mapagkakatiwalaan ako.

"Halika dito..." tawag ko sa kanya. At niyakap ko sya.

"My lady--" hindi na sya gumalaw ng sabihin kong

"Wag kang gumalaw. Salamat sa lahat.. ria. Salamat" at napaluha ito. Pinatahan ko.

*kinabukasan*

Napagdesisyunan kong mamasyal sa may bilihan. Hindi naman alam ng lahat na may tanda ako napinagpala ng panginoon. Na ako ang itinakdang magiging empress sa hinaharap. At ang taong mapapangasawa ko ang magiging makapangyarihan...

"Aray!!" Sigaw ng isang batang lalaki.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Nabunggo mo ang karwahe ng ika 9 na prinsipe! Lumuhod ka!"

Napansin kong may sugat ang bata.

"My lady!"hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni ria. Tinulungan kong tumayo ang bata at hindi pinaluhod. Maiimpeksyon ang sugat nya sa sandaling lumuhod ito sa lupa.

"Magandang babae wag nyo na po akong intindihin..  kasalanan ko po na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko at aksidenteng nasanggi ang karwahe ng ika 9 na prinsipe... " nakayuko nitong sabi na parang iiyak na.

"Narinig mo naman hindi ba? Inamin nya ang kasalanan nya!dapat syang parusahan!" Sigaw ng alalay na may Latigo.

Napangisi ako. Latigo lang pala.. akala ko kung ano. Ika 9 na prinsipe pala...

"Inamin na ng bata ang kasalanan. Wala ng dahilan pa para parusahan." Nakangiti kong sabi.

"Lapastangan! Hindi mo alam ang iyong sinasabi. Dapat ka ring parusahan!" Tangka nya akong lalatiguhin ng ang dulo ng latigo na hawak nya ay nasalo ko.

"Kahihiyan para sa mansyon ng ika 9 na prinsipe. Hindi mo man lang ba tinuruan ang iyong servant ng tamang asal? Babae... sinasaktan nya? Nais kong  malaman. Ganun rin ba ang tinitingala at ginagalang na mahal na prinsipe?"

Emperor, Why me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon