Chapter 47

348 13 0
                                    

" Emperor, Why Me? "
Chapter 47

Kirino POV

Nagbukas ang pananggalang at hindi muna kami pinapasok ni minaho. Nagpana ng isang ibon si matatagi. At ng bumagsak ito. Hindi ito naging abo.

"Halina kayo. Ligtas na ang pumasok sa loob"

Ganun nga ang ginawa namin. Wala na masyadong kalaban sa harap namin. Pero ng makarating kami sa kabilang bakod.. halos bumigay kami sa aming nadatnan..

Nagapi man ang mga kalaban.. marami ang nasawi at iilan nalang ang nakatayo..

Hinanap agad ng mata ko si ama..

"Ama! Nasaan ka!" Hindi ko sya makita...

"Nasan ang heneral!?" Matigas na sabi ni shindou.

Humahangos na nagsalita ang puno ng sugat na tauhan.

"Do-doon po.. prinsipe *cough*" itinuro nya ang kubol na.. may bahid ng mga dugo..

Tinakbo ko ito at natigilan sa harap nito.

Bakit.. dumadagundong ang aking puso? Tumingin ako sa mga kasama ko at nagtama ang mata namin ng ika siyam na prinsipe. Tumango sya.

Gamit ang espada na napulot ko kanina. Ginamit ko ito upang mabuksan ang telang harang.

"Ama--"

Natulala ako. Nagimbal. Nakapos ng hininga.

"Tito..." napakagat labi sila midori

"K--kirino.. *cough* anak--" natigilang magsalita si ama ng tapatan sya ng espada sa may leeg.

Kapwa nakatali ang kamay at paa nya sa may upuan. Ang mukha ay puno ng mga galos.. at ang braso ay may tatlong hiwa na may kalaliman dahilan para maligo sya  sa kanyang sariling dugo.

"Ibababa nyo ang sandata nyo o... Pu!pugutan ko ng ulo.. ang heneral na ito!" Nagagalit na sabi ng isang lalaking hindi ko kilala ang wangis...

Binaba ko agad ang aking hawak na espada at latigo. Maririnig rin ang pagbagsak ng mga armas sa sahig.

"Pakawalan mo ang tatay ko.." sambit ko at maglalakad palapit sa kanya. Pero lalo nyang idinikit ang espada sa leeg ni ama at pinatingala ito.

"Sige! Isang hakbang mo pa palapit ay pugot ang ulo nya. Kamay sa batok!!"

Agad kong nilagay sa batok ko ang aking kamay.

"Kamay daw sa batok!" Sigaw ko. At nagsimulang sumenyas..gamit ang aking kamay

Chapter 46
https://www.facebook.com/103682384362884/posts/369185217812598/

Emperor, Why me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon