Chapter 16

592 38 4
                                    

Emperor, Why me?
Chapter 16

Shindou POV

Anong... san sila pupunta?? Agad kong sinipa ang kabayo ko at hinawakan ang tali. Ang alam ng lahat ay hindi ko na magamit ang kamay ko. Tunay ito pero.. nagagalaw ko parin kahit papaano. Hindi na nga lang gaya ng dati... na magagamitan ng lakas at pwersa. Sa oras na gamitan ko ito ng lakas... ang mga buto at hibla ng laman ko ay parang pinupunit.

"Hiya!!" Sigaw  ni kirino at tumakbo ang kabayo nya papunta sa ibang direksyon na pinuntahan ni midori, kaibigan nya.

Napansin kong sinusundan na rin ni nishiki si midori. Wala akong nagawa kundi sundan na lamang si kirino. Hindi ligtas ang kagubatan na ito para sa isang babae.

" ah?? Bat.. ka sumusunod?" Nagulat nyang tanong nang makita akong sumusunod sa likuran nya. Lalo pa nyang binilisan ang takbo ng kanyang kabayo. Napadaan sa sulod sulok na may maliliit na sanggang sagabal. Nagawa nya itong talunan gamit ang kanyang kabayo.

Magaling rin pala sya sa pangangabayo.

"Hindi ko alam na.. may husay at talento ring taglay ang anak ng heneral"

Usal ko ng walang emosyon. Batid kong pagak syang natawa. Hindi ko magawang putulin ang mga sanga gamit ang espada ko. Kaya minabuti ko na lamang na iwasan din ito sa abot ng aking makakaya.

*neigh!*

Sigae ng kabayong sinasakyan ko. Bahagya ko syang pinatigil ng napansing may sugat ang aking kabayo. Bahala na ang babaeng yon. Importante ang kabayo kong si nobu.

Hinaplos ko ang balahibo nito. Akala ko umalis na si kirino at tuluyang lumayo dahil hindi ko na narinig ang galaw ng kabayo nya.

"Nobu ayos ka lamang ba?" Tanong ko na parang kaya akong sagutin ng aking kabayo.

May hiwa ang kanyang isang binti. Nasabit siguro sa sanga. Luminga ako para maghanap ng halamang gamot ng

"Eto oh"

Emperor, Why me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon