Chapter 17

599 39 2
                                    

Emperor, Why me?
Chapter 17

Kirino POV

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sumigaw ang kamayo ng ika siyam na prinsipe. Marahil ay..

Agad kong hinila ang tali. Huminto si joanne. Sumulyap ako sa gawi ni shindou na may kalayuan.

"Nasugatan nga..." bumaba ako sa aking kabayo at pumitas ng halamang gamot. Mabangis man ang mga hayop rito... masasabing isang kayamanan ang gubat na ito dahil taglay nito ang ibat ibang uri ng gamot medisina.

Ng nakakuha ako ngsapat na dahon ng gamot agad ko itong inilagay sa maliit na boteng dala ko. May laman itong alak na maaaring gamitin bilang medisina. Marahang sumunod sa akin ang kabayo ko.

Ng nahalo ko na ang gamot. Lumapit ako sa kanila. Sakto paglingon nya ay inabot ko ang bote.

"Eto oh "

Sabi ko na sinuklian nya ng gulat na ekspresyon.

"Sabi ko eto ang gamot"

Muli kong sabi. Marahan namang kinuha ni shindou ang gamot sa aking kamay at mahinang sinabi

"Salamat" agad nyang nilagyan ng gamot ang hita ng kanyang kabayo.

"Hindi ka kasi nang iingat" sambit ko sabay talikod.

Teka... bakit ko ba sya pinagalitan? Nakakatawa. Pero.. parang bigla ko nalang nausal na pagalitan sya.

"Hm..."

Yun lang ang sinabi nya at naging abala sa paglagay ng gamot sa alaga. Pumilas pa ng kaunting tela mula sa suot na damit para ipangtakip sa hita ng alaga nya.

Hindi naman pala walang puso itong lalaking to. Marahil ay...

Mabuti rin syang tao.

Sumakay na ako sa aking kabayo.

"Hiyah!" Sigaw ko pero bigla nya akong tinawag.

"S-sandali!"

Taiyou POV

Kasalukuyan kaming nasa harapan ng isang bangin. Kasama sila kyousuke at tenma na kapwa mga prinsipe sa kabilang kaharian.

"Ano? Makakaya mo bang.. kuhanin iyon?"

Tanong ko kay kyousuke.  Bumaba sya ng kanyang sinasakyang kabayo at kinuha ang tali na ibinigay sa kanya kanina.

"Kukuhanin ko."

Emperor, Why me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon