Epilogue

796 34 5
                                    

》ANG PAGTATAPOS! NG....

~ " Emperor, Why Me? " ~

Epilogue

Kirino POV

Huni ng ibon ang aking naririnig. Parang kay tagal ng aking mahimbing na pagtulog. Nang imulat ko ang aking mga mata. Kakaibang tela ang aking nakita.

Sandali.. nasa isa akong silid? Bakit tila magarbo ang mga disenyo nito? Hindi ito ang aking kwarto..

Nasan na ba ako?

Sinubukan kong maupo mula sa aking pagkakahiga. Pinagmasdan ko ang paligid.

Malawak. Kung susuriin ay masasabing pang marangya ang mga ito.

Nagulat ako ng may isang utusan ang pumasok sa silid kung nasaan ako. May hawak syang tray at...

"Em-press....."

Nabagsak nya ang tray nya at napaluhod.

"Pag-pagbati Mahal na reyna. Ipaaalam ko na po na ikaw ay nagising!"

Nangangatal ngunit may galak nyang sambit. Nagtaka ako. Anong nangyari?

"Mga kawal! Mga kawal!" Sigaw nya habang nakadungaw sa may pintuan.

"Gising na ang mahal na reyna! Bilis ipaalam sa  mahal na hari!" Sigaw nyang muli.

Rinig ko ang pagtakbo ng mga paa papalayo. Tinignan akong muli ng babaeng... nandito.

"Maaari ko bang itanong.. anong nngyayari?"

Sambit ko sa malumanay na tono.

"Mahal na reyna kayo po ay nakatulong ng mahabang panahon"

Nakaluhod nyang sabi.

"Kay tagal po kayong walang  malay.  Matagal rin po kayong hinintay ng Mahal na hari... at ng prinsipe at prinsesa.."

Ngayon lalo na akong naguluhan. Sandali.. ano nga bang nangyari?

Pumikit ako at inalala ang lahat. Bakit tila dalawang pangyayari ang aking naaalala?

At.. pareho akong namatay na.. bakit buhay pa ako?

Bago pa man ako makapagsalita. Isang mainit na yakap ang aking naramdaman.

"Kirino.. sa wakas.. gising ka na.." sambit ni... ika syam na prinsipe? ?

"Shindou??" Sambit ko ng may pagtataka

May pumasok muli sa pintuan na humahangos.

"Ina!" Sambit ng batang babae sabay luhod sa baba ng aking higaan.

"Gising na po kayo.." saad ng isa pa. Lalaki naman sya at mababatid kong mas matanda mg bahagya sa nauna.

"Patawad ina.. ng dahil sa akin.. nakatulog kayo ng mahabang panahon. At nalagay pa sa peligro ang iyong buhay... p-patawad po!" Nagsimula syang maluha.

Lumuhod din ang batang lalaki

"Ina.. parusahan nyo rin po ako. Ako po ang may kasalanan kung bakit gumamit ng usok si shinri.. pinilit ko po siya na ipakita sa inyo"

Naluha ako. Hindi ko batid pero nagsimulang magbalik ang ala ala ko.

Tama..

Naalala ko na..

Dumistansya ng bahagya si shindou at niyakap ako ng batang babae.

Niyakap ko rin siya maging ang batang prinsipe.

"Shinri... shinru... mga anak ko.."

Hinalikan ko ang kanilang noo.

Oo naalala ko na...

Lumapit si shindou. Humalik sa akin at inilapit ang labi sa aking tenga.

"Mahal ko.. maligayang pagbabalik..."

'Ikaw ang pinili ko. Kaya ako ngayon ay maligaya'

~Ang Pagtatapos

Emperor, Why me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon