" Emperor, Why Me? "
Chapter 48Kirino POV
Nilagay ko ang kamay ko sa batok at sumenyas ako. Sana mapansin nila at malaman ang sasabihin ko.
"Kamay daw sa batok! Kamay sa batok " Pag ulit ko na tinaasan naman ng kilay ng lalaking may hawak sa ama ko.
"Oh sumunod na kami! Ibaba mo ang espada mo" sambit ni ni sakura. Tumingin ako sa likod at hinanap si manabe at minaho pero hindi ko sila nakita.
Mukang nagpapatuloy na ang plano. Mabuti at naintindihan nila ako.
"Ha ha ha. Sa tingin nyo ba mauuto nyo ako?" Iwinasiwas nya ang espada nya at nasira ang pagkaka takip ng tela ng mapigtas ang lubig. Bumagsak ang kubol.
"Sa tingin mo hindi ko napansin ang pag alis ng dalawang to?" Napangisi sya.
"Mukang nabisto tayo.." sambit ni minaho
"Hoy tanda. Dito ka humarap!" Sigaw ni nishiki. Ng tumingin ang lalaki. Sinipa nya ito mula sa baging na sinabitan nya.
Tarzan??
"Kilos na!" Sigaw ko sabay lapit kay ama. Natumba yung lalaki at kinalagan ko na si ama.
"Kirino.. bakit hindi pa- k-kayo umalis?" Nahihirapan nyang sabi
"Hindi ko kayo iiwan ama. Hinding hindi" nginitian ko sya pero ng tuluyan ko ng makalagan ang kamay nya.
May mainit na bagay ako naramdamang tumusok mula sa aking likuran.
Ng aking tignan. Isang espada ang nakalusot sa aking tyan.
"Kirino!!" Rinig kong sigaw nila. Pinilit kong ngumiti. Pero ng hugutin palabas ang espada.
May nalasahan akong metal na likido sa aking bibig. Napaubo ako. At ng aking punasan. Maraming dugo ang aking nakita. At tuluyan nang nanghina ang aking mga paa. Bago pa man ako mawalan ng malay. Ramdan ko ang pagsalo at pag yakap sa akin ni ama.
"K-kirino"
At tuluyan na akong napapikit. Habang unti unting humihina ang mga boses nilang tumatawag sa akin.
Chapter 47
https://www.facebook.com/103682384362884/posts/371057984291988/?app=fbl
BINABASA MO ANG
Emperor, Why me?!
FanfictionI did everything. Para sayo.. kariya.. pero.. eto ang igaganti mo? Kung may susunod na buhay.. sisiguraduhin ko...pababayaran mo ang lahat. Isinusumpa ko... ako... si Kirino Ranmaru. .. babawi ako sayo... ~A story namay halong ancient time. Will o...