"Emperor, Why Me?"
Chapter 36Kirino POV
"Peste!" Sambit ko ng may pagkairita. Hindi man ako sigurado pero mukhang si shindou na ang taong tinutukoy nila.
Sa tingin mo wala akong kwenta? Isang babaeng dapat itago nalang sa bahay?
Aba minamaliit yata nya ako.
Ako si Ranmaru Kirino. May Phoenix Fate! Lang naman...
Napairap ako ng maisip ko ang lalaking iyon. Hayy!!
Biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako. Nakasuot na ako ng kaswal na damit. Humanda ang sino mang pumasok. Pupukulin ko sya ng paso.
Ng magbukas ang pinto handa na kong ihagis ang paso sa may pinto pero bago ko pa mabitawan iyon, napigilan ko ang sarili ko.
"My lady?!?!" Natatakot na sigaw ng alalay ko.
"Kira ano bang ginagawa mo dito?ginulat mo ako!" Napahilamos ako ng mukha.
"Pa-patawad! Si.. ang.. ikasyam na.. prinsipe po kasi nasa may--" naputol ang sasabihin nya ng may magsalita sa likod.
"Oo. Nandito ako" sambit ni shindou. Nanliit ang aking paningin. Naningkit ito na parang instik.
"Pashnea!" Sigaw ko at hinagis ang paso.
(Waoo engcantadia😂)
"Ano--" napailag sya.
"Ms. Kirino!" Sigaw ni kira. Tinitigan lang ako ng masama ni shindou.
"Ku-kukuha po ako ng panligpit!" At umalis na ang utusan ko.
Tinignan ko si shindou. Humakbang sya palapit sa akin.
"Bakit ka lumalapit?" Sigaw ko.
Pero wala syang ginawa kundi humakbang pa palapit napahakbang tuloy ako pa atras.
"Isa!" Pagbabanta ko.
Patuloy lang sya sa paglakad palapit sa akin.
"Dalawa!! B-binabalaan kita! Wag mo kong lapitan!" Sigaw ko na halos kakapusin na ng hininga.
Pinagkrus nya ang kanyang braso.
"Anot ang babaeng walang takot na maghagis sa akin ng paso ay natatakot.. sa simpleng pag hakbang ko lang?" Ngumisi sya. Nahagis ko tuloy ang unan na hindi nya naiwasan.
"K-kirino!" Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Emperor, Why me?!
FanfictionI did everything. Para sayo.. kariya.. pero.. eto ang igaganti mo? Kung may susunod na buhay.. sisiguraduhin ko...pababayaran mo ang lahat. Isinusumpa ko... ako... si Kirino Ranmaru. .. babawi ako sayo... ~A story namay halong ancient time. Will o...