"OMYGHAAAAAAAAAAAAADDDDDD!!!!!!! MGA GAGA GISIIIIIIINNNNGGGGG!!!!!!!"
Napabalikwas ako sa sigaw ni carm ang aga-aga pa ano naman sinisigaw ng gaga na 'to panira ng tulog ang hayop!
"Ano ba?! Kingina ka alam mo bang napapanaginipan ko na si Massimo tapos magigising ako dahil sa sigaw mong gaga ka!" badtrip na bungad ni milan
"Ano ba kasi yon carm? Panira ka ng tulog eh!" tanong ko naman sa kanya
"Gagi ang sama nating mga kaibigan" malungkot niyang sagot samin
"It's Kyle's birthday today, at kung hindi pa sya nagchat sa gc hindi natin malalaman."
Oh shet! Ang tanga nga namin sa part na 'yon, Agad kong hinanap ang phone ko para mag-online at mabasa ang chat ni kyle.
-POKNATS_
Kyleyeah (kyle): goodmorning guys are you free today?
Yelong malambot (ice): free naman ako ano bang ganap?
Kalvovo (kalvin): free din ako ano ba meron?
Kyleyeah (kyle): it's my birthday guys, don't you remember right?
I felt so sad and guilty at the same time, naramdaman ko yung lungkot sa chat na iyon ni kyle ito na nga ang mahirap pag nagkakalayo layo hindi na natin naaalala minsan yung mahahalagang okasyon.
Yelong malambot (ice): hoy! Naalala kaya namin sinadya lang namin na hindi ka batiin HAHAHA! HAPPY BIRTHDAY TOL! Ilang sugar mommy ba gusto mo? Wag na sad san tayo mamaya?
Caramelangot (carmela): oo nga no mamaya ka pa sana namin babatiin nagtampo ka naman agad hayst. Happy Birthday bruh! Imissyouuuuu! Maghilod ka na lagi ha? Tanda mo na eh!
milangaw (milan): Happy Birthday kyle! Iloveyouuuuu mwaaa! Hbd mbtc! Matuto ka na din sana maglagay ng deo ang anghit ng kilikili mo eh!
Kalvovo (kalvin): hbd mbtc gbu tol! Pakiss sa pwet!! HAHAHA!
Bungang araw (me): NAKS! BIRTHDAY NI IDOL! SYEMPRE BABATI DIN AKO! HAPPY BIRTHDAY LODI PABURGER KA NAMAN DIYAN!!!! SANA MA FEEL MO PRESENCE KO CAPSLOCK NA YAN HA! LINISAN MO NA DIN TENGA MO MAY LUGA NA EH!
Domingongo (dom): Happy Birthday tol.
Muntik ko ng maihagis ang phone ko ng biglang magchat si dom sa gc, first time to simula noong nangyare.
Kyleyeah (kyle): mga tarantado kayo HAHAHA! Salamat! Can you come later? Mga 5pm? Onight tayo nagpareserve ako sa resort sana naman pwede kayong lahat.
Syempre ayaw naming malungkot si kyle sa birthday niya kaya pupunta kaming lahat, but dom? I don't know. We planned a little surprise for him, napagdesisyonan namin na mag-ayos na at magpeprepare pa kami para sa surprise.Nagpasundo na kami kay ice dahil dadalhin daw nya ang isang sasakyan ng daddy niya, then we decided na babyahe na kami ng bandang 2pm dahil sa batangas pa pala yung resort jusko makapagsabi ng 5pm si kyle parang ang lapit lang ng BGC sa Batangas ah!
It's already 4:30 pm when we arrived at Catada Beach Resort here at Lobo Batangas, Kyle is already there at the front desk to get our keys.
It's so nice here the fine white sand, the fresh air the ambiance is so relaxing, even the sun set is clear wherever you are. We got our keys and we change for our swim wear.
Nagkayayaan muna kami maglangoy bago dumilim dahil mamaya ay gagawin na namin ang surprise para kay kyle. I'm wearing my pastel two piece and I cover it with my seethrough white dress and dolphin denim short.
Nagpicture din kaming lahat dahil ang ganda ng sunset pero unti unti na din siyang nawawala,
"ayusin mo naman ice! Ipopost ko yan sa ig ko!" iritang sabi ni carm kay ice
"HAHAHA! Wala ka dito sa photographer ko ang lulupet ng kuha tingnan mo puro lang dagat amputa! Sabi ko ako kuhanan eh!" pagtataray naman ni milan kay kalvin
Pinagmamasdan ko lang silang lahat si kyle kasi inaasikaso yung kakainan namin mamaya ayaw niya naman magpatulong kaya heto ako pinapanuod ang mga kupal kong kaibigan. Pero sa totoo lang mamimiss ko sila grabe ilang buwan din akong nasa barko lang talagang mawawalan na ako ng time for them. But wait? Kasama ko nga pala yung si kio! Mukha naman siyang mabait at walang gagawing masama sa akin pero hindi ko sure kung ako ba walang gagawin sa kanya eh HAHAHA! emme lang!...
It's already 7:30 in the evening at nagutom na kami kaya kumain na kami we already surprised kyle at nakikita ko ang saya sa mga labi niya. Syempre sa ganitong kasiyahan hindi mawawala ang alak kaya naman magpapakasasa kami ngayon...
Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng maliliit na alon, nakahiga ako ngayon dito sa buhanginan at masayang pinagmamasdan ang buwan at mga talang nagnining ning ang liwanag. Napansin ko si kyle na naglalakad at mukhang nagmamadali kaya sinundan ko sya ng tahimik.
"Tol! Ayaw mo ba talaga sumama sa loob?" nagulat ako noong makita ko kung sino ang kausap niya kaya nagtago muna ako dito sa likod ng puno, it was dom.
"Pasensya na kyle kailangan ko din bumalik agad kasi walang kasama si klaire eh happy birthday nalang, wag mo nalang sabihin sa kanila na dumaan ako." Sabi ni dom
Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako sa direksyon kung nasaan sila, si klaire? Sya nanaman? Sya lang din naman ang dahilan kaya muntik ng masira ang pagkakaibigan naming pito!
Napatingin si dom sa gawi ko at nagbabadya na syang umalis..
"Wait!" sigaw ko sa kanya at nagulat din si kyle sa presensya ko nagdesisyon si kyle na bumalik na sa loob at binalaan ako gamit ang mga mata niya dahil alam niya na hindi ko nanaman kayang pigilan ang mga luha ko.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid namin ni dom, heto ako at nakatitig lang sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko ba sya kakausapin ng hindi umiiyak.
"It's been a while." Basag niya sa katahimikan, yes! It's been a f*cking while you asshole!
"Yan lang sasabihin mo?"
"Look Sol, I really need to go si klaire..."
"Si klaire?! Puro nalang si klaire tangina dom! Binasura mo yung pagkakaibigan natin dahil diyan sa syota mo?! Nakaya mo yon?!"
"I'm sorry sol but I can't tell it to you hindi mo ako maiintindihan."
"Edi ipa intindi mo! Dahil ba sakin? Dahil ba gusto kita kaya ka lumalayo? Wag kang mag-alala malapit na ako umalis dom balikan mo lang yung barkada, kahit sila lang kahit wag na ako dom please." pagmamakaawa ko sa kanya habang diko na marinig ang sarili ko dahil sa pag-iyak ko.
"It's not about you sol, It's not about what you feel, wag mong sisihin ang sarili mo ok? It's my decision to go away and if you're all mad at me I understand 'cause I deserve it."
"I don't know what to do anymore, I just want to forget my feelings for you pero bakit ang hirap? Do I deserve to be hurt like this? Ano ba nagawa ko para masaktan ako ng ganito? Minahal lang naman kita dom pero bakit ganito yung binalik mo sakin? Bakit sobrang sakit? Hindi ko na alam kung paano ulit ako babangon dahil buong buhay ko nandiyan ka, buong buhay ko kasama kita pero bakit mas pinili mong iwan nalang ako basta basta?."
"I'm sorry sol ito lang ang tangi kong magagawa sa ngayon ang mag sorry dahil hindi ko alam kung paano ko maaalis yang sakit na nararamdan mo, You're still my bestfriend and I wish I'm still yours, don't waste your time for liking an asshole like me live your life and be happy my sun, I'm sorry I need to go."
At bigla nalang bumuhos ang luha ko nang nagpaalam sya, sana panaginip lang lahat ng ito diba? SANA......
YOU ARE READING
it's always you
De TodoThis Story will make you realize how important friendship is; it will show you how to sacrifice things just to protect the person that you love. It will make you understand why there's a partner who's really afraid to the best friend of their partne...
