Chapter 15: Uncontrolled

4 1 0
                                    

Jane POV.

Nagawa ko na ang usapan kapalit ang buhay ni Rain. Naalinagan ko ang maaliwalas na kwarto at disenyo nitong panlalaki.

Agad kong naalala ang nangyari kagabi. Was it all my dream? Ngunit napa sigaw ako ng kunti ng mahawakan ko ang namagang leeg ko.

"Anong nangyari? Bat ka sumigaw?" Nagulat ako ng may nakatayo na sa harapan ko. Natakot na rin ako kung saan ito dumaan at kasulukuyan namang nililipad ng hangin ang kurtina at sumilip ang sikat ng araw.

"To-too ka-yo. No I dont want to be a vampire!" Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. At di ko mawari ang kaniyang mga tingin na parang alalang ala ito.

"You will not." Bumuntong hininga ito bago nakasagot. Nakita ko rin ang pagsabunot sa buhok niya na parang sobra itong nasaktan.

"Pero ano ito." Di siya tumingin sa itinuro kong kagat sa leeg. Pinanindigan ko ang pinasok ko kahit takot na takot ako sa kaharap ko ngayon.

"Patawad binibini." Nahihirapan itong huminga.

Umatras na din ito at nakita ko ang pagkuyom niya.

"Wala kayong awa magkasingtulad lang kayo ng aswang. Habol niyo kaming mga tao!" galit kong sumbat sa kaniya at pinaghahampas siya.

Kinuha nila si Rain sa akin, at ngayon ako nanaman ang papahirapan nila.

Di man lang niya ko pinigilan sa halip ay nakita ko kung paano ito nanghina. Napahawak siya sa tabing mesa sa sakit na naramdaman niya.

Habang ako ay napalayo na rin. Wala akong kasalanan, pinaglalaruan niya bako?

Muli siyang sumigaw ng ikinatumba ko dahil sa pagbabagong anyo nito. Natakot ako sa mga tingin niyang pinapatay ako.

Isang dangkal nalang ay wala nakong maatrasan. Hinawakan niya ang kamay ko at muli siyang ngumiti. At doon tumulo ang luha ko, sa mga nag iinit na pangil na muling bumaon.

Pinilit ko siyang pinigilan ngunit nanghihina ako. He lowered down again his fangs to my wrist. At tinitigan ako.

"Patawad." Naipikit ko na ang aking mga mata bago pa pumasok ang tatlong kalalakihang nagkakagulo.

Nate POV.

Nasa labas akon ng kwarto ko ng marinig ko ang mahinang sigaw sa loob.

Agad ko siyang nakitang napangiwi sa sakit na nagawa ko sa leeg niya. Hinding hindi ko itong gustong gawin sa kaniya sadyang diko mapigilan ang sarili ko.

Bago ko pa siya malapitan ay may kakaiba nakong naramdaman. Sa bawat sambit niya ng masasakit na salita ay unti unti akong nanghihina.

Alam kong natakot ko siya kaya minabuti kong lapitan ito. Ngunit sa tuwing hahawakan ko na siya ay sumidhi ang damdamin kong kagatin siya.

Arghhhhh! Nahihirapan ko ng labanan ang sarili ko.

Kahit pa sabihing ok lang na kagatin ko siya dahil we are mated but nirerespeto ko siya bilang tao.

"Nate pigilan mo yang nararamdaman mo!" Si Dave na tinutulungan akong palabasin.

Habang naririnig ko ang mga binibitawang haguluhol ni Jane. Mas lalo akong nanghina na para bang ako ang nasaktan.

"Bitawan mo ko." ninais kong balikan si Jane sa loob.

"Tama na Nate, kung dika titigil masasaktan mo lang siya." Tumigil ako sa sinabi ni Dave. Tsaka niya ko iniwan sa labas para bumalik sa loob.

Nasaktan ko siya! Nasaktan rin ako. Patawad!

New VAGE [ New Vampire Generation ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon