Maniniwala ba ako sa sinasabi ng kaharap ko? Nakakaloka naman 'to! As in mahal agad?! Eh pang-ilang beses ko palang siya nakakasama ah?"What? You'll marry who?"
"You baby. I know it's too ideal pero mahal kita Lianna. Noon pa. Sophomores pa lang tayo."
Oh my God. What's with the confession? Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko. Di kaya ganito niya lang sakyan ang gusto ng mga grandparents namin? Ako? Mahal niya? Besides, I'm just 17 and he's 18. Ang bata pa namin!
Hindi ako nakapagsalita. Ininom ko ng tuloy-tuloy ang frappe na inorder niya para sa akin. Shit! Brain freeze.
Napatingin ulit ako sa kaniya. He looks so..... serious. Walang bahid ng kalokohan yung tingin niya. Napatikhim ako.
"Paano kung ayoko? Will you let this slide?"
Hindi ko alam kung bakit ito pa ang natanong ko. Anong peg ko? Pabebe lang? Ganon?
"Then I'll make you fall for me, not because of our families but because I want you mine."
Anak ng—— bakit ako kinikilig?!
Gusto ko munang pag-isipan ulit ang desisyon ko. Hindi ko inakala na ganito ang mga maririnig ko galing sa kaniya. Mahirap paniwalaan dahil baka masyado lang siyang masunurin sa lolo niya kaya siya nagkukunwari.
Nagkukunwari nga ba?
Hindi ko na pinahaba ang usapan namin at nagpalitan nalang kami ng number kung sakaling may itatanong kami sa isa't isa.
———————————
Lunch time na. Dumiretso na ako sa cafeteria ng school namin para hanapin si Chesca. Para akong mababaliw kung wala akong kakausapin tungkol dito.
Marami na ang taong kumakain ngayon. Hinahanap ng mata ko si Chesca nang biglang humarang ang pagmumukha nitong si Gray.
"Sinong hinahanap mo? Sakto nagugutom na ako Lianna" pangungulit niya.
"Hinahanap ko si Chesca, nakita mo ba?"
"Aray naman! Akala ko naman ako hinahanap mo!" Madramang sabi ng baliw na 'to na may pahawak pa sa puso. "Andun sa table nina Aileen. May group work ata sila."
"Sige salamat. Di kita ililibre dahil ang pangit mo ngayon!" Sabay takbo ko papunta sa table nila Chesca habang tumatawa.
"Uy si Lianna!" Narinig kong sabi ni Aileen. Classmate namin.
Napalingon si Chesca. Sumama ang tingin nito sa akin.
Anong problema nito?
Lalo ko siyang nilapitan at pinitik ang salubong niyang kilay.
"Huy yung kilay mo magdidikit na! Baka hindi na madaan sa ahit hahahahahahaha."
Akmang hahampasin niya ako nang bigla ko siyang hinatak palabas papunta sa isang bench na malapit sa puno.
"Aba babae ka, hindi ka man lang nagsabi sa akin na dalawang linggo ka pala mawawala!"
Ngayon alam ko na bat masama ang tingin niya sakin kanina. Hindi ko pa kasi ito nasasabi sa kanya dahil naging abala din ako.
BINABASA MO ANG
Celestial Tears [COMPLETED]- TO BE EDITED
Teen FictionMarco Series #1: Lianna Marco is from a family of doctors that owns a chain of hospitals. She was just a low key student. But her life made a drastic turn when she met Ashton Montemayor. #1 in new adult as of (June 19,2021)