It's friday today. Pagkatapos ng usapan namin ng parents ko kagabi ay natulog na din ako.
Maaga ako nagising ngayon. As usual, si Kuya Ali lang ang naabutan ko, pero mukhang paalis na din. Umupo na ako sa dining table at nag-umpisang mag-almusal.
"You're quite late, di ka ba pagagalitan?"
"No kuya, kukunin ko lang yung ilang files and folders ko sa locker ko sa school. Uuwi din ako kaagad pagkatapos."
I bit my lip to stop my self from spilling my plan to talk to Ashton.
Umalis na si kuya. Tinawag na din ni manang si Kuya Rolly para mahatid na ako sa school. Hindi mawala sa isip ko ang mangyayari mamaya. Kailangan ko siya mahanap.
***
Pagdating sa school ay tahimik ang lugar. Siguro nasa klase na ang mga tao dahil alas nuwebe na rin ng umaga.
Dumiretso ako sa locker ko. Kinuha ang mga kailangan kong iuwi. Good thing I brought my bag. Di ako mahihirapan. Ang dami pala nitong iuuwi ko!
Biglang dumaan si Gray sa likod ko. Kasama niya ang isang kaklase namin. Napahinto ito nang mapansing ako nga ang nasa may locker.
"Uy! Si Chesca andon sa library baka gusto mong puntahan. Nilapitan ko kanina pero ang sungit! Menopause na ba yun?" Natatawang sabi nito.
"Sige subukan kong puntahan, may aasikasuhin pa ako eh".
"Oh sige. Alis na ako ingat sa bakasyon mo. Pasalubong ah?"
Nginitian ko lang ito.
Inumpisahan ko na hanapin si Ashton. Nasa kabilang building lamang ang room nila pero wala ito doon. Ang sabi ng kaklase niya ay umalis daw ito kasama ang iba pang members ng student council.
Hinahanap ko ang headquarters nila. Malapit raw ito sa admin office pero walang nakalagay na sign kung anong room ang bawat pinto.
I waited outside the admin office. Sana lang ay dumaan dito ang hinahanap ko.
It's already 11 am when I saw the SC Officers. Kakalabas lang nila ng room na pinanggalingan nila. I waited for Ashton.
And there he is. Boyishly gracing out of their headquarters.
Hindi ito naka uniform. Mukhang pareho kaming hindi magtatagal dito sa school.
May bumulong sa kanya at itinuro ang direksyon ko. Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
Lumapit siya sa akin. I inhaled his scent. Iba na ito sa gamit niya nung mga nakaraan. This scent is manly. Bagay sa kanya.
"Hey, hinahanap mo raw ako?" He asked.
"Uhh, yeah. I need to discuss something with you."
Bat ba ako kinakabahan ng ganito. Si Ashton lang naman 'to.
"Okay. Let's go somewhere? May malapit na coffee shop dito."
"Yeah sure" tipid akong ngumiti.
Sumakay kami sa sasakyan niya na BMW, di nako nagulat sa gara ng sasakyan niya. I wonder kung ilang babae na ang nasakay niya dito.
Wala pa atang 10 mins ay nasa coffee shop na kami. Nang makapasok kami, the smell of roasted coffee beans welcomed us. The place is cozy. May mga square shaped na lamps na naka hang sa taas. Maganda ang overall interior ng lugar na 'to.
Umorder muna ng kape si Ashton samantalang naghanap na ako ng mauupuan namin.
Pinili ko ang bakanteng upuan sa may bintana. Pinagmamasdan ko ang mga sasakyang dumadaan para mabawasan man lang ang kaba ko.
Hindi rin nagtagal ay umupo na siya sa harap ko. He looks..... dashing.
Simpleng cargo shorts, white polo shirt at top sider ang kanyang suot. Walang effort manamit pero malakas ang kaniyang dating.
Natigilan ako sa iniisip ko. Attracted ba ako sa kanya?
NO. Kailangan kong isawalang bahala ang paghanga ko. Hindi magandang intindihin ang bagay na ito.
"So, ano ang pag-uusapan natin?" Nakangiti niyang tanong.
"Uhm. It's about last night. Nabanggit kasi sa akin ni dad na pumayag ka sa ginagawa ng grandparents natin. Bakit?"
He eyed me. Nakakapanghina naman 'tong titig niya.
"Well, yes I agreed. Una sa lahat, both families will benefit, lalong-lalo na ako." He simply answered.
Hindi ko maintindihan ang huling sinabi niya. Paano naman siya makikinabang?
I stared for a while. Iniisip ko kung tama bang magtanong pa ako. Pero kinakain talaga ako ng curiosity ko.
"In what way ka naman makikinabang? Pano mo magiging girlfriend yung babaeng gusto mo kung papayag ka sa ganitong set-up."
Alam kong mahirap kung may iba kaming taong gusto. Masisira ang samahan ng pamilya kung may isang papalpak sa amin.
"Lianna, wala naman akong ibang gustong babae. C'mon baby. Sino ba naman ako para tumanggi sa set up na ito?"
Hindi ko na talaga siya maintindihan! Bat ba binibitin niya lagi ang sasabihin niya?!
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
Mukhang napansin niya na hindi ako nakuntento sa isinagot niya. Sana pala hindi ko na hiniling na dugtungan niya pa ang sinabi niya dahil hindi ko inaasahang manlalambot ako nang muli siyang magsalita.
"Baby, my family asked me to marry the only Princess of the Marco clan. They want me to marry the girl that I love. Bakit naman ako tatanggi?"
And my heart skipped a beat. Tama ba ang narinig ko?
——————————-
BINABASA MO ANG
Celestial Tears [COMPLETED]- TO BE EDITED
Dla nastolatkówMarco Series #1: Lianna Marco is from a family of doctors that owns a chain of hospitals. She was just a low key student. But her life made a drastic turn when she met Ashton Montemayor. #1 in new adult as of (June 19,2021)