Chapter 23

202 5 5
                                    


Thirteen years later.....

"Doc, someone wants to see you. Family friend niyo daw po." The nurse told me while checking a patient's record.

"Sino daw?" Takang tanong ko.

"Phoenix Vergara daw po eh." My eyes widened.

"Okay, call and tell the front desk na sabihan siyang antayin ako. I'll just finish my rounds."

Good thing ay may mga Pilipinong nurse at doktor din dito sa New York. Kahit papaano ay nagagamit ko pa din ang lengguwaheng kinalakihan ko. Puro ingles nalang kase ginagamit ko kapag pasyente at kapwa doktor na ang nakakausap ko.

Mabilis kong tinapos ang rounds ko at bumaba sa lobby.

"Nix!" I waved my hand at him. Agad naman siyang lumapit at niyakap ako.

"Hey, looking good, huh?" He said.

"Lagi nalang ba?" I asked jokingly.

Napailing na lamang ito sa akin. "Self-proclaimed." He scoffed.

"Excuse me?!" I spat.

Niyaya ko na siya sa malapit na coffee shop para makapag-usap. I wonder what's his agenda this time.

"So, what brought you here?" Agad kong tanong pagkaupo namin.

"Wala man lang 'kamusta ka naman?' Tss." Sagot nito.

"Wag na, so ano nga?"

"I'm getting married!" Excited niyang sabi.

My jaw fell.

"Kawawang babae. Pinikot mo 'no?" Pang-aasar ko.

"Hoy grabe ka na ha, I'm a changed man. Sayo nga naka-move on ako eh." Natatawang sabi niya.

Naglaho bigla ang ngiti sa labi ko. Hindi ko kasi maalala yung mga sinasabi nila sa akin na namgyari noon.

Na-comatose daw kasi ako ng limang buwan after kong atakihin sa puso noon. My brain was half dead that time kaya nagka damage. Mabuti nalang at hindi ako sinukuan nina mommy kaya ngayon,buhay pa din ako. Pero pagkagising ko ay wala na akong naaalalang kahit ano. Even my family.

That's why they brought me to Massachusetts to be treated. Doon na din ako nag-aral nang makapasa ako sa Harvard. I'm a cardiologist now.

"Kailan ang kasal?" Tanong ko.

"2 weeks from now. You'll attend, right?" Umaasa niyang sabi.

"Of course. I'll free my schedule. Saan ba gaganapin?" Tanong ko.

"Sa Pilipinas. Finally, makakauwi ka na rin after a decade." Sagot niya.

"Well, if my brother will let me." I shrugged.

"Why? Still hiding you from someone?"

Naalala ko noong naririnig kong nagtatalo si dad at kuya dahil sa lalaking Ashton ang pangalan. I heard kuya telling our dad to avoid risking my safety. What does he mean?

"Yeah, I guess? Alam mo namang hindi ko naalala lahat." I sighed and leaned on the chair.

"Basta ha, you need to be there." I just nodded in response.

Pagkatapos namin mag-usap ay umuwi na muna ako. My duty is over na din naman and I want to rest.

Pagkarating ko sa pad ko, I saw kuya sitting on my couch.

Celestial Tears [COMPLETED]- TO BE EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon