Chapter 28

164 2 0
                                    



Sa sumunod na dalawang linggo ay wala akong ibang ginawa kundi maglakad-lakad at matulog.

Paminsan-minsan kasi ay nakakaramdam ako ng contractions kaya minsan nag-aalala kami na mapaaga ang panganganak ko.

Trumiple pa ang bilis kong mapagod dahil sa sobrang bigat ng tiyan ko sabayan pa ng salitan na sipa ng kambal.

Nararamdaman ko na ang pagtataka ni Ashton sa laki ng tiyan ko. When we visit my Obstetrician, he would always compare my baby bump to other pregnant women. Palagi ko nalang sinasabi na baka mas bata pa ng ilang buwan ang ipinagbubuntis nila.

Today is Ashton's birthday. Dalawang araw na akong walang nararamdaman na pananakit ng tiyan kaya naman ay medyo napanatag akong hindi pa ako manganganak ngayon. Sayang nga kase akala ko sa birthday niya ako manganganak.

Tinawagan ko lahat ng pinsan niya. I told them my plan to surprise him.

Si Laureen ang pangunahing naging kakuntyaba ko dahil nagpapagawa siya sa kompanya ng kuya niya ngayon ng building para sa office ng kompanya niya.

Our plan is to keep Ashton focused on his works at si Laureen agad ang nagprisenta. She'll keep her brother busy para makapaghanda ako sa surprise ng hindi niya alam.

Alas kwatro na at malapit na umuwi si Ash. Five o'clock kasi ay umaalis na ito sa opisina para pumunta dito sa bahay.

Akmang mag-aayos ako ng kaunting decoration nang mag-ring ang phone ko. He's calling.

"Hello?" Sagot ko.

"Love, medyo male-late ako ngayon. Laureen is such a pain in the ass. Ang daming pinaparevise sa pinapagawa niyang building." Bakas sa boses niya ang inis, pagod at frustration.

"Okay lang, andito lang naman ako sa bahay eh. Pagbigyan mo na kapatid mo, minsan lang magpagawa sayo eh," pangloloko ko pa.

I ended the call, laughing because of his childish whims.

Nang matapos ko ang decor ay nag-umpisa na akong ayusin ang mga pagkain. Mabuti nalang at may kasambahay na makakatulong sakin na mapadali ang trabaho.

Pagkalagay ko ng beef steak ay kumirot ang tiyan ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit nito.

Naramdaman ko na lamang ang mga basa kong binti at sahig. My water broke!

Agad kong tinawag ang kasambahay at taranta itong lumapit. I kept my self calm.

Pinakuha ko ang mga gamit ko at ng mga baby. Mabuti nalang at nakahanda na ang lahat ng mga ito last week pa.

Tinawag niya ang driver para mahatid ako sa ospital. I dialed my OB's number and told her that my water broke and I'm on my way.

Sunod kong tinawagan si Austin and told him the same dahil alam kong nasa loob din dapat siya ng Delivery room as my cardiologist kapag nanganak ako.

Tinawagan ko rin sina mommy at daddy. I told them na sila na ang bahala magsabi kay Ashton dahil wala nakong lakas na tawagan pa lahat ng taong kailangan kong tawagan.

Dumating ako sa ospital na nakahanda na ang lahat sa bungad palang. Austin was there with my OB and some nurses.

Lahat tuloy ng tao nakatingin sa amin. Ang lakas kasi maka VIP.

"Austin naman, I'm taking too much attention." I hissed.

"It's okay. Isang Marco ang manganganak at Marco ang may-ari ng ospital." He chuckled.

Celestial Tears [COMPLETED]- TO BE EDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon