Nakaupo at nakayuko ako sa sofa ngayon.Ayokong mag-angat ng tingin kila mama at papa,natatakot ako
"Saan kayo nagkakilala ng lalaking yun?"tanong ni papa.Hindi ako nakasagot.Feeling ko kasi kapag binuka ko ang bibig ko,bubuhos ang luha ko
"Ella Mariz Villegas,tinatanong kita!Saan mo nakilala ang lalaking yun?!"sigaw ni papa.Nanginig ako sa takot.Anong isasagot ko?
"Nagkatext l-lang po k-kami"nanginginig na sabi ko.Naramdaman ko ang paglandas ng luha mula sa mata ko,pero hindi ko ginalaw ang kamay ko para punasan ito.Nanatili akong nakayuko
"Ah,niligawan ka niya sa text,ganun ba?At ikaw,sinagot mo?Wow,ang ganda ng love story niyo!"galit na sabi ni papa
"Sinagot mo ang lalaking hindi mo naman alam ang buong pagkatao?!"sigaw ni papa.Narinig ko ang pag-aawat sa kaniya ni mama at remi,pero hindi siya nagpatinag
"Nakipagkita ka pa sa kaniya.Paano kung rapist pala ang lalaking yun?Edi narape ka ngayon!At ang sabi mo pa kaninang umaga,may reunion kayo?Sinungaling!!Makikipagkita ka lang pala sa lalaking yun!!!"galit na galit na sigaw ni papa.Napahagulgol ako dahil sa sinabi niya.Ito ang unang pagkakataon na sinabihan ako ni papa ng sinungaling.Kasalanan ko naman eh,hindi ko sinabi sa kaniya,sa kanila ni mama ang totoo
Patuloy pa rin ako sa paghagulgol ng biglang magsalita si Remi
"Huwag niyo pong isisi ang lahat kay ate,alam ko po nung una palang na nagkakatext na sila ni Ashton,at tsaka kasalanan ko po kung bakit nakuha ni Ashton yung number ni ate,nakitext po kasi ako kay ate para po pag-usapan namin ni Arwyn yung tungkol sa project,and then,binigay po ni arwyn yung number ni ate sa kuya niya.Kung hindi po ako nakitext,edi sana po hindi naibigay ni arwyn yung number ni ate at hindi sila nagkatext.Sorry po ma,pa----"
Napatigil si remi sa pagsasalita.Narinig ko ang malakas na sampal ni papa sa kaniya.Napaangat ako ng tingin at tumayo,gulat akong nakatingin kay Remi,napahawak siya sa kanang pisngi niya
"Isa ka pa pala!Saan niyo nakuha ang ugaling iyan?Parehas kayong sinungaling!"sigaw ni papa at pumasok sa kwarto nila ni mama,padabog niyang sinara ang pinto.
Si mama ay nanatiling nakatayo at gulat sa pangyayari,ganun din ako.Ito ang unang beses na pinagbuhatan ng kamay ni papa si Remi,at kasalanan ko yun.
Tumingin si mama sa akin at kay Remi
"Magpahinga na kayo,pagpasensyahan niyo na ang papa niyo"sabi ni papa at pumasok na rin sa kwarto.
Agad kong nilapitan si Remi at niyakap.Kasalanan ko to.Humagulgol si Remi
"Ate,sorry.Dapat,hindi nalang a-ako nakitext s-sayo,sor---"
"Shhh.Ako ang may kasalanan nito.Dapat hindi nalang ako nakipag-usap kay Ashton,mali na tinolerate ko yung pagte-text niya,sorry Remi.I'm so sorry"umiiyak na sabi ko.Niyakap ko siya ng mas mahigpit.Nang dahil sa akin,nasaktan ang kapatid ko.Niyakap rin ako ni Remi
I'm sorry,Remi
-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa nga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...