Isang linggo na akong nandito sa ospital.Isang linggo na ring naghahanap ng mahihiraman ng pera sila mama at papa para sa operasyon ko.Alam kong nahihirapan na sila.Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng bukol sa ovary ko,wala naman kaming lahi na may sakit na ganito
"Ate,kumain ka muna"sabi ni Remi at iniabot sa akin ang lugaw.Ngumiti ako sa kaniya
"Sorry Remi ha,dahil sa akin,hindi ka tuloy nakapasok ng isang linggo dahil kailangan akong bantayan dito"malungkot na sabi ko.Baka maapektuhan yung grades niya,alam kong ayaw niyang mangyari yun.Hinawakan niya ang kamay ko
"Ate,okay lang yun.Kaya ko namang humabol sa lessons eh.Mas importante ka kesa sa grades ko"sabi niya.Sinimulan ko nang kainin ang lugaw
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone,kinuha yun ni Remi at sinagot
"Hello,pa"
"Ganun po ba,opo,sige po.Mag-ingat ho kayo ni mama,ako na pong bahala kay ate"sabi ni Remi at binaba na ang cellphone
"Anong sabi?"
"Mamaya pa daw sila makakauwi ni mama,kaya alagaan daw kita"sagot niya.Napatango-tango naman ako
Habang nakaupo sa kama ay bumukas ang pinto,napatigil ako,ganun din si Remi
"Ella"mahinang sabi ni Ashton.Binigyan ko siya ng blankong tingin
Tumayo si Remi at nagsalita
"Anong ginagawa mo dito?Bawal kang pumunta dito,uma----"
"Remi,okay lang.Kailangan din naming mag-usap"sabi ko.Pinanlakihan ako ng mata ni Remi
"Ate,niloko ka ng taong yan"sabi niya sabay turo kay Ashton"Kakausapin mo pa rin siya?"hindi makapaniwalang tanong niya
"Remi,we need to talk,to clear things"sabi ko sa kaswal na tono.Umirap si Remi
"Fine,whatever"mataray na sabi ni Remi at lumabas na ng kwarto.Tumingin ako kay Ashton.Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko
Now,I will talk to him
-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...