Kabanata 20:

756 29 0
                                    

Sabay-sabay kaming naga-almusal ngayong umaga,napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag

Tumayo si papa at sinabit ang bimpo sa balikat niya

"Ma,Remi,Ella,alis na si papa.Nga pala"sabi niya at nilabas ang wallet niya,kumuha siya ng pera doon.Iniabot niya ito kay mama

"Kumain kayo mamaya sa labas,dyan sa mcdo,kayong bahala,basta,gusto kong maging masaya ang mga natatanging tatlong babae sa buhay ko"sabi ni papa at hinalikan si mama sa pisngi,sa noo naman niya kami hinalikan.Kumaway siya at lumabas na ng bahay

"Saan niyo gustong kumain?"nakangiting tanong ni mama,nagtaas ng kamay si Remi

"Sa jollibee tayo ma,dabest yung chicken dun"parang batang sabi ni Remi,minsan talaga isip bata to

"Masaya ako na ayos na kayo ng papa niyo.Sabi ko sa inyo eh,hindi kayo matitiis nun.Mahal na mahal kaya kayo nun"masayang sabi ni mama,napangiti ako

"Sa jollibee nalang tayo kumain ma,dun gusto ni Remi eh"

"Sige,dun tayo maglulunch"masayang sabi ni mama

This is the happiest day of my life

-----------------------------------------------------------
Ngayon ay nakapila na kami ni Remi para mag-order,samantalang si mama naman ay humanap ng mauupuan

Nagpalingon lingon ako sa paligid,ang daming tao ngayon ha?Hmm

Habang lumilingon lingon ay---kusang tumulo ang luha ko dahil sa nakita ko

"Ate,bakit ka umiiyak?"gulat na tanong ni Remi.Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko.Naitakip niya ang dalawang kamay sa kaniyang bibig

"Oh my gosh.May kabit si Ashton"bulong ni Remi

And there,nakita ko si Ashton na may kaharap na babae na pahampas hampas pa sa braso niya.Nagtatawanan sila,ang saya saya nila.

Sexy yung babae.Mukhang bata pa.Mala gatas ang kulay ng balat niya,at talaga namang intimidating ang dating niya.Shit

"Umalis na tayo dito ate"pagaaya ni Remi at walang pakundangang hinatak ako.Hinatak niya ako papunta sa table kung saan nandun si mama

Paglapit namin sa mesa ay gulat na napatingin sa akin si mama

"Bakit umiiyak ang ate mo?"nanlalaki ang mga matang tanong niya

"Ma,kailangan na nating umalis.Mamaya na ako magpapaliwanag"dire-diretsong sabi ni Remi.Agad namang tumayo si mama.Mabilis kaming naglakad patungo sa glass door ng jollibee at lumabas doon

Sa huling pagkakataon,nilingon ko si Ashton at yung babaeng kasama niya.Nagtatawanan pa rin sila

Mali pala ako.Nagtaksil siya sa akin

This is the worst day of my life

-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasa

Instagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman

Love At First Text [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon