Kabanata 11:

814 37 1
                                    

"WHAT?!"gulat na sigaw ni Remi.Ang ingay naman nito

"Shh,baka magising sila mama"saway ko.Tumayo siya sa harap ko at namaywang

"Seryoso ka ba ate?Magpapaligaw ka sa Ashton na yun by text?"hindi makapaniwalang tanong niya.Tumango ako

"Naku ate ha,baka mamaya may girlfriend----"

"Wala siyang girlfriend.Tinanong ko na siya"putol ko sa sasabihin niya.Umupo siya sa tabi ko

"Ate,oo nga,nakita mo na siya.Pero ikaw,hindi ka pa niya nakikita,paano kapag nakita ka niya sa personal at bigla siyang umayaw?"tanong niya.Umiling ako

"Remi,sabi ko nga sayo diba,ang pag-ibig ay parang sugal,itataya ko ang lahat,kahit pa hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa huli.Ang importante,sinubukan ko.Take the risk or lose the chance,yun lang ang pagpipilian.Ang pinipili ko ay take the risk,habang may tsansa pa"mahabang sabi ko.Bumuntong hininga siya

"Basta,ipangako mo na kapag nagloko siya,iwanan mo na agad,okay?"nakataas kilay na mando ni Remi.Tumango naman ako

"Okay,I promise.Basta,mangako ka rin na hindi mo sasabihin kay mama at papa na may nanliligaw sa akin,okay?"

"Okay,I promise"sabi niya at tinaas ang kanang kamay

Ngumiti ako at niyakap siya

-----------------------------------------------------------
Bumalik ako sa kwarto at sinara ang pinto.Humiga ako sa kama.Tinignan ko ang oras sa cellphone.11:30 na ng gabi.Tulog na kaya si Ashton?

Nag-type ako sa cellphone ko

To:Ashton
Are you still awake?

From:Ashton
Yeah.Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng tresspassing?

Tresspassing?Hindi ko nga alam ang bahay niya eh

To:Ashton
Tresspassing?I don't know where is your house

From:Ashton
Pwede kitang kasuhan.Alam mo kung bakit?Kasi wala kang permiso na pumasok sa isip ko

Oopss.Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko.Gumulong ako sa kama.Shems,kinikilig ata ako.Bwisit ka,Ashton

To:Ashton
Stop it.Pinapakilig mo ako

From:Ashton
It's my goal.Pakiligin ka

To:Ashton
Bye na nga.Sleep na'ko.Goodnight

From:Ashton
Goodnight.I love you.....as my special someone

Napangiti ako dahil sa huli niyang mensahe.Tumagilid na'ko at natulog na ng may ngiti sa labi.

-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasa

Instagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman

Love At First Text [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon