Naga-almusal kami ngayon sa hapag.Wala kang ibang maririnig kundi ang pagtama ng kutsara at tinidor sa plato.Hindi kami magkakagalit.Hindi lingid sa kaalaman ko na alam na nila ang nangyari sa akin kahapon.Alam kong kapag nakita ni papa si Ashton,siguradong magkakagulo
Habang kumakain ay nakarinig kami ng taong sumisigaw mula sa labas ng bahay
"Ella,kausapin mo ako.Huwag kang makipag break sa akin!"alam ko na kung sino iyon
"Punyeta,mabubugbog ko ang lalaking yun"galit na sabi ni papa at tumayo sa kinauupuan niya.Mabilis siyang lumabas ng bahay.Tumayo rin si mama at humarap sa amin ni Remi.
"Dito lang kayo,akong bahala"sabi ni mama at sumunod kay papa sa labas
"Ate,paano na to?Alam ko namang dapat lang kay Ashton na masapak,pero alam nating hindi lang sapak ang aabutin niya,baka mapatay siya ni papa"nag-aalalang sabi ni Remi.Tama siya,may posibilidad na magawa yun ni papa
"Lumabas tayo,awatin natin sila"sabi ko at agad na tumayo.Nagtungo ako sa labas ng bahay.Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Remi
Pagkalabas namin ay nadatnan kong sinusuntok na ni papa si Ashton.Agad akong lumapit sa kanila at pumagitna
"Tama na"mahinahong awat ko.Hindi nagpatinag si papa.Nanatili namang hindi lumalaban si Ashton,tanging pagsangga lang ang ginagawa niya
"Pa,tama na"mahinahong sabi ko at hinawakan siya sa braso.Nagsimulang dumami ang mga taong nakapalibot sa amin at nagbulong-bulungan.Mga tsismosa.
Masyadong malakas si papa kaya naman napabitaw ako sa kaniya.Huminga ako ng malalim at sumigaw
"SINABI NG TAMA NA EH!!"sigaw ko.Napatigil si papa.Napatingin sa akin si Ashton.Natahimik ang mga taong nagbubulong-bulungan kanina.Unti-unting lumapit sa akin si Ashton,putok na ang nguso niya,puno na rin ng dugo ang mukha niya dahil sa sapak ni papa.Ilang dipa nalang ang layo niya sa akin nang iharang ko ang kamay ko sa harap niya.Napatigil siya
"Umalis ka na Ashton,pampagulo ka lang dito"seryosong sabi ko.Nakita ko ang sakit sa mga mata niya na idinulot ng sinabi ko.Wala akong pakielam
"Ella,pag-usapan natin to.Please"nakikiusap na sabi niya.Naramdaman ko ang pagsakit ng puson ko.Parang pinipilipit.Napahawak ako rito at napangiwi.Muntik na akong matumba pero naalalayan ako ni Ashton
"Ella,okay---------"
"Huwag mo ngang hawakan ang anak ko.Anak,ayos ka lang ba?"tanong ni papa at inalalayan ako.Lalo akong napangiwi sa sakit.Shellay!May kumikirot sa loob ko.Unti-unting nanlabo ang paningin ko.Hanggang sa tuluyan akong bumagsak sa lupa
"Ate!"
"Ella!"
"Anak!"
And everything went black
-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...