Kabanata 21:

742 29 0
                                    

Pagpasok ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at sinara ang pinto.Dumapa ako sa kama

Paano niya nagawa sa akin yun?He promised,he will never hurt me,pero ano yung nakita ko kanina?May katawanan siyang sexy na babae

Kinuha ko ang cellphone ko sa nagtext sa kaniya

To:Babe
Break na tayo

Pagkasent ko nun ay pinatay ko na ang cellphone at binato sa kung saan.Sana pala,nakinig nalang ako sa sinabi ni Remi,sana,hindi ko siya minahal ng sobra,sana,hindi ako nagtiwala sa kaniya.Sana,hindi ko nalang siya nakilala

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.Hindi ko pinansin yun.Umupo ako sa kama at niyakap ang tuhod ko.Yumuko ako at umiyak ng umiyak

"Ate,papasukin mo ako.Buksan mo tong pinto"rinig kong sabi ni Remi mula sa labas ng kwarto.

"Leave me alone"umiiyak na sabi ko.Nanatili akong nakayuko at umiiyak

"Ate please,buksan mo to"pakiusap ni Remi.Nag-angat ako ng tingin at tumayo.Hinawakan at inikot ko ang doorknob.Pinagbuksan ko si Remi.

"Ate"agad akong niyakap ni Remi.Niyakap ko rin siya.Pumasok siya sa kwarto habang yakap pa rin ako.Narinig ko ang pagtunog ng lock ng pinto.Umupo kami sa kama,nanatili akong nakayakap sa kaniya

"Shh,ate,makipagbreak ka na sa lalaking yun.Huwag mo na siyang babalikan"sabi niya habang hinahagod ang likod ko.Tumango tango naman ako habang nakayakap sa kaniya

Lumipas ang ilang minuto nasa ganoon pa rin kaming posisyon.Ilang sandali pa at bumitaw rin ako mula sa pagkakayakap sa kaniya

"Akala ko ba kapag sinaktan ako ng lalaking yun,hindi ka tatabi sa akin para patahanin ako?"tanong ko.Ngumiti si Remi at hinagod ang buhok ko

"Matitiis ba naman kita ate?Syempre,echos ko lang yun para hindi mo na itext yun.Pero,sadyang matigas ang ulo ng ate ko,kung alam ko lang na ganito ang mangyayari,hindi na sana kita hinayaan na makatext ang lalaking yun"

"Sana pala nakinig nalang ako sayo Remi.Sorry.Sorry kung hindi kita pinakinggan.Sorry kung mas naniwala ako sa lalaking yun.Sorry"

"Tama na ate.Nagmahal ka lang naman.Pero,alam mo kung ano yung nagawa mong mali?"

"Ano?"

"Yung binigay mo ang lahat ng pagmamahal mo sa kaniya.To the point na wala ng natira sa sarili mo"

"Ngayong gabi,tatabihan kita sa pagtulog,para hindi mo maramdamang nag-iisa ka"

Humiga na kami ni Remi.Niyakap niya ako.Ngayon ko narealize na,ang swerte ko dahil may kapatid ako na katulad ni Remi.Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko ng masasandalan.Siya ang nagsisilbing panyo ko sa tuwing bumubuhos ang luha ko.Kahit kailan,hindi niya ako iniwan

One day,I will forget about you,airhead.

-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasa

Instagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman

Love At First Text [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon