Kabanata 14:

760 34 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw kung saan tuluyan ko nang makikita si Ashton,ang boyfriend ko.Agad akong bumangon at nag-asikaso.

Naligo na'ko.Siguro,2 oras na akong nandito sa cr.Gusto ko,sobrang bango ko kapag nagkita kami.Matapos kong maligo ay nagbihis ako ng isang dress na lagpas tuhod.Black dress ang isinuot ko,buti nalang at kasya pa sa akin.Pagkatapos nun ay namili na ako ng sandals,ano kaya?

Napatingin ako sa isang itim na sandals na matagal ko nang hindi nasusuot.Sinuot ko ito at tinignan ang sarili sa salamin.Make-up nalang

Agad akong naglagay ng violet eyeshadow,mascara,at red lipstick.Muli kong pinagmasdan ang sa sarili sa salamin,pwede na.Kinakabahan ako.

Kinuha ko ang itim kong pouch at lumabas na ng kwarto.Napatingin si mama,papa,at Remi sa akin.Si mama ay napatulala,si papa naman ay nanlaki ang mga mata,samantalang si Remi ay napanganga.Ganun ba ako kaganda para maging ganoon ang reaksyon nila?Simpleng ayos lang naman ang ginawa ko

Lumapit sa akin si Remi at mama

"Ate,ikaw ba talaga yan?"parang namamanghang tanong ni Remi habang nakaawang pa rin ang bibig.Tumango naman ako at ngumiti

"Anak,saan ang lakad mo?Bakit ang ganda ganda mo?May pupuntahan ka bang party?"tanong ni mama habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko

"Reunion po kasi namin ngayon,yung mga kaklase ko po nung highschool"I lied.Hindi ko pwedeng sabihin na sa kaibigan lang ako makikipagkita,baka magduda si mama at papa

"Mag-almusal ka muna anak,baka gutumin ka"suhestyon ni papa na nakatayo sa tapat ng mesa

"Hindi na po,mauna na po ako"pagpapaalam ko at lumabas na ng bahay

-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasa

Instagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman

Love At First Text [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon