Anim na buwan na ang nakalilipas simula ng makabalik ako sa bahay.Sa anim na buwan na yun ay muli akong niligawan ni Ashton.Araw-araw niya akong dinadalhan ng bulaklak,chocolates,at araw araw niya rin akong binabasahan ng mga gawa niyang tula
Doon ko nalaman na makata pala siya.Sa bawat tulang binabasa niya ay nagsasabi kung gaano niya ako kamahal.Aaminin kong humanga ako sa kaniya dahil sa galing niyang gumawa ng tula.Hindi lang ako ang nililigawan niya,pati na rin si mama at papa.Sabi niya,pagdating ng tamang panahon,hihingin niya ng kamay ko para pakasalan siya
Sa anim na buwan na yun,walang araw na hindi ko naramdaman ang pagmamahal sa akin ni Ashton.Araw-araw niya ring ipinagluluto ng masasarap na ulam sila mama at papa.Aaminin kong masarap siyang magluto.Sabi niya kapag naging mag-asawa na kami,lagi niya akong ipagluluto ng mga gusto kong kainin
At sa anim na buwan na yun,doon ko mas lalong nakilala si Ashton.Hindi siya maarte pagdating sa pagkain,at sa anim na buwan na yun,dun ko narealize kung gaano siya kahalaga at gaano ko siya kamahal.
Ngayon ay nakahiga ako sa kama.10:00 na ng gabi.Bukas,sasagutin ko na si Ashton
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may marinig akong ingay mula sa labas.Sino yun?Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sila mama,Remi,at papa na nakadungaw sa labas ng bintana.Doon nanggagaling ang ingay,agad akong lumapit sa kanila
"Pa,paalisin mo------"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kung sino ang nasa labas.Nakasuot siya ng isang puting polo shirt at may hawak na gitara
"Ashton"bulong ko sa sarili.Nakita kong nangingiti si mama,si Remi naman ay nakaawang ang bibig,na para bang hindi makapaniwala sa nakikita,samantalang si papa naman ay nakangiti
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw,giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana...para sa'yoNapangiti ako ng matapos ni Ashton ang kanta.Hindi ko akalaing...haharanahin niya ako.Ang ganda ng boses niya.Sinenyasan siya ni papa na pumasok ng bahay.Agad naman siyang tumuloy
Nagtungo sa pinto si papa at pinagbuksan si Ashton
"Tuloy ka"nakangiting sabi ni papa.Pumasok naman si Ashton
"Magandang gabi ho.Sorry ho kung naistorbo ko kayo sa pagtulog"nahihiyang sabi ni Ashton.Napatingin sa akin si Ashton,nginitian niya ako.Nginitian ko siya pabalik
"Umm,maiwan muna namin kayo ni Ella ha"mabilis na sabi ni mama at hinila si papa at remi papasok sa kwarto.Nang maisara nila ang pinto ay nagsalita ako
"Upo tayo"aya ko at umupo.Umupo naman siya sa tabi ko.Nanatili akong tahimik.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
"Pasensya na kung naistorbo kita sa pagtulog mo"sabi niya.Tumingin ako sa kaniya
"Hindi pa naman ako tulog.By the way,nagustuhan ko yung kanta mo.Ang ganda ng boses mo"nakangiting sabi ko.Hinawakan niya ang kamay ko
"Salamat naman kung ganon.Sana,maging tayo na ulit.Ella,mahal na mahal kita.Ipinapangako ko sa'yo na hinding hindi kita sasaktan.Ipinapangako ko sa'yo na magiging mabuting boyfriend ako sa iyo.Ipinapangako ko"sabi niya.Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad.Hinawakan ko ang mukha niya
"Mahal na mahal din kita,Ashton.Sa anim na buwan na nakalipas,walang araw na hindi mo ipinaramdam sa akin kung gaano mo ako kamahal.I know you deserve this,Ashton"tumigil ako sa pagsasalita at diretso siyang tinignan sa mga mata"Sinasagot na kita,ulit"nakangiting sabi ko.Agad niya akong niyakap
"I love you,I love you,I love you"sunod sunod na sabi niya habang nakayakap sa akin.Niyakap ko siya ng mahigpit
I love you too,Ashton
-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...