Kasalukuyang nag-aayos ako ng mga plato ng bigla akong tawagin ni Remi,ang kapatid ko.
"Ate,pwede bang makitext?Kailangan lang namin pag-usapan ni Arwyn yung tungkol sa project namin."sabi niya sa nagmamakaawang boses,tumango naman ako
"Oo naman,nandyan yung cellphone ko sa tabi ng T.V.,kunin mo nalang"
"Thank you ate"pagpapasalamat ni Remi at nagsimula nang magtipa sa cellphone ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ng plato ay dumiretso ako sa mga kaserola at kumuha ng kaldero,magsasaing na'ko.
Matapos kong hugasan at sabawan ang bigas ay isinalang ko na ito sa kalan.
"Ate,tapos na'kong makitext,thank you ulit"sabi ng kapatid ko at dumiretso sa kwarto niya
Nagtungo ako sa sofa at umupo.Habang nanonood ng T.V ay biglang tumunog ang cellphone ko,senyales na may nagtext sakin.
Kinuha ko ito.Nakita ko ang isang unknown number.Sino kaya to?Binasa ko ang message niya
From:+639*********
HiHi?Paano naman kaya niya nakuha ang number ko?Nilapag ko ang cellphone ko at di nalang pinansin ang text niya,baka nagpa-prank lang.
Nagconcentrate nalang ulit ako sa panonood.Ilang minuto lang ang nakalipas ay muling tumunog ang cellphone ko.Inis akong kinuha ito at binasa
From:+639*********
Hey,reply ka naman dyanAba,nag-utos pa?Hmm,ma tanong nga
To:+639*********
Sino kaba?At paano mo nakuha ang number ko?Inilapag kong muli ang cellphone ko at naghintay sa reply niya.Wala pang isang minuto ang nakakalipas ng muling tumunog ang cellphohe ko.Kinuha ko ito at binasa ang mensahe niya
From:+639*********
I'm Ashton.Nakuha ko ang number mo sa kapatid koWait,sa kapatid niya?Sino bang kapatid nito?Muli akong nagtipa sa cellphone ko.
To:+639*********
Sino bang kapatid mo?Hinawakan ko nalang ang cellphone ko.Habang naghihintay ay narinig ko ang boses ni mama mula sa banyo
"Ella!Nangangamoy ang sinaing!"sigaw ni mama.Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kalan,pinahinaan ko ang sinaing.Nangangamoy nga,naman oh.
Mula sa banyo ay lumabas si mama at nagsalita
"Ella,ano bang ginagawa mo at napabayaan mo ang sinaing?"takang tanong ni mama.Kasalanan to ng Ashton na yun eh.
"Ah,nawili lang po ako sa panonood ng T.V.,sorry po"pagsisinungaling ko at kumamot sa ulo
"Sige na,ako ng bahala dyan"sabi ni mama at nagtungo sa kwarto nila ni papa para magbihis
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang mensahe niya
From:+639*********
Si Arwyn Reroma,ang kaklase ang kapatid mo-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento narin kayo kung kayo ay may itatanong o sasabihin.Maraming salamat sa iyong pagbabasa.Instagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...