Pagpasok ko sa bahay ay binigyan ako ni Remi at mama ng nagtatakang tingin.Dumiretso ako sa sofa at umupo.
"Ate,bakit ang bilis mo naman?Nagkita naba kayo ni Ash--este nung kaibigan mo?"tanong niya.Yumuko ako at umiling.
"Anak,bakit hindi kayo nagkita?Hindi ba siya sumipot?"
"O-opo eh.May emergency daw po kase"maiksing sagot ko at dumiretso sa kwarto ko.Sinara ko ang pinto at pabagsak na nahiga sa kama
I signed.Tumitig ako sa kisame.Ano nang gagawin ko?Nung nakita ko kanina si Ashton,bigla akong nahiya.Kasi naman eh,ang gwapo niya,at ang macho pa,bumabakat sa suot niyang polo shirt yung abs niya.Samantalang ako,mataba na nga,hindi pa maganda.Naman oh
Habang tulala sa kisame ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ashton
From:Ashton
Ganun ba?Sayang naman.Gusto na kitang makitaBaka hindi ka matuwa kapag nakita mo ako,Ashton.
From:Ashton
Actually,kaya gusto kong makipagkita sayo personally,kasi may sasabihin akoSasabihin?Ano naman yun?
To:Ashton
Ano yun?Naghintay ako ng ilang minuto,pero hindi pa siya nagrereply.Habang naghihintay ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko,tumambad sa akin si Remi.Agad siyang pumasok at sinara ang pinto.Umupo siya sa tabi ko
"Ate,sabi ko sayo eh,aayawan ka ng Ashton na yun.Tignan mo,sinabihan ka niya ng masasakit na salita no?Dapat sumama ako eh,para nasapak---"
"Sira,walang nangyaring ganun.Ano bang sinasabi mo?"
"Ayy,wala ba?Sornaman.Pero,hindi ka ba talaga sinipot ni Ashton?Sabi ko sayo---"
"Nandoon siya.Sumipot siya"pagpuputol ko sa sasabihin niya.Kumunot ang noo niya
"Kung ganun,bakit hindi kayo nagkita?"takang tanong ni Remi.Bumuntong hininga ako
"Umatras ako.Bigla akong nahiya nung nakita ko siya.Ang pogi niya Remi,matangkad,maputi,matikas,samantalang ako,mataba,hindi maganda,maputi lang"frustrated na sabi ko.Hinawakan ni Remi ang balikat ko.
"Ang maipapayo ko lang sa'yo ate,kung talagang tinuturing kang kaibigan ng Ashton na yun,matatanggap ka niya,kahit pa mataba ka"sabi ni Remi at tumayo,ngumiti siya sa'kin
"Yung iba nga dyan eh,kahit pa masamang tao yung kaibigan nila,wala lang sa kanila yun.Ang importante,matatag yung friendship nila"sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.Sabagay,may point naman si Remi dun.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko.Nagreply na siya,binuksan ko at binasa ang------OMG!SERYOSO BA SIYA?!
From:Ashton
I like you.I really really like you.Pwede ba kitang ligawan?-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamt sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomanceSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...