Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Tumambad sa akin ang nakasisilaw na liwanag ng ilaw.Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.Nasa isang kwarto ako.Nakahiga rin ako sa kama.Nakita ko si Remi sa gilid ko.Nakaupo siya sa upuan at nakabagsak ang ulo sa gilid ng kama ko.Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang ulo niya
Ilang sandali pa ay gumalaw ang ulo ni Remi.Nag-angat siya ng tingin at napangiti ng makitang gising na ako
"Ate,anong nararamdaman mo?May masakit ba sa iyo?Sabihin mo sa akin"sunod sunod na sabi ni Remi.Ginulo ko ang buhok niya
"Okay lang ako.Nasaan sila mama at papa?"
"Kausap nila yung doctor.Pinatest ka kasi nila eh"
"S-si Ashton?A-anong nangyari sa kaniya?"walang emosyong tanong ko.Napatingin sa akin si Remi
"Sa totoo lang,kanina nandito siya.Pero,hindi siya pinapasok ni papa dito sa kwarto mo.Mukhang ayos lang naman siya,may kaunting pasa nalang siya sa mukha.Hindi ko lang alam kung umuwi na ba siya"
"Alam mo bang,dalawang araw ka ng tulog?"tanong ni Remi.Gulat akong napatingin sa kaniya
"Ano?!"
"Ininjectionan ka kasi ng pampatulog,kaya ganun.Gusto kasi nila mama,makapagpahinga ka muna daw"
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.Pumasok si mama at papa
"Anak"sabi ni mama at niyakap ako.Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ng luha niya.Bakit namumugto ang mga mata niya?
"Ma,anong resulta ng test kay ate?"puno ng kuryosidad na tanong ni Remi.Napatingin sa kaniya si mama at biglang naluha.Bakit?
Tinignan ko si papa,may hawak siyang isang brown envelope.Nasa kaniya ang resulta
"Pa,anong resulta?"kalmadong tanong ko kay papa.Nanatiling nakatulala sa akin si papa.Ano bang nangyayari?
"Papa,sabihin niyo na.Bakit ba ganyan yung reaksyon niyo ni mama?"tanong ko.Sinikap kong huwag ipahalata ang namumuong kaba sa dibdib ko,alam kong may mali
Huminga ng malalim si papa at nagsalita
"M-meron kang b-bukol sa ovary mo.Pwede mo daw ikamatay kapag hindi naoperahan"pagsasalita ni papa at tumulo ang luha galing sa mata niya.
Bumagsak ang luha ko ng dahil sa narinig ko,kasabay nun ay ang pagguho ng mundo ko
I have an ovarian cyst
-----------------------------------------------------------
Kung inyong nagustuhan ang kabanatang ito,inyong pindutin ang bituin sa ibaba upang mabigyan ako ng boto.Magkomento na rin kung mayroong itatanong o sasabihin.Pasensya na sa mga typo kung meron man.Maraming salamat sa iyong pagbabasaInstagram:deguzman_kazzie
Twitter:Binibining_Cass
Facebook:Cassandra De Guzman
BINABASA MO ANG
Love At First Text [Completed]
RomansaSi Ella Mariz Villegas ay isang mataba, hindi maganda, pero maputing babae, at isa pa, no boyfriend since birth. Wala ring nanligaw sa kanya ni isa, at hindi rin siya umaasang may magkakagusto pa sa kanya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may m...