Nagising akong wala na sa tabi ko si Chad. At laking pasalamat ko yun. Ngayon araw ko haharapin ang masaklap na buhay ko.
"Anak, saktong gising ka na. Tayo'y magaagahan na. Umupo ka na diyan."
"Uhmm, ang sarap ng pangagahan. Namiss ko tong mga to" sabik kong sabi habang naglalaway sa mga nakahaing pagkain.
Doon ko lamang nagpatuunan ng pansin na hindi pa pala nakakauwi si Chad sa bahay nila.
Sabay sabay kaming nagsalosalo ng agahan. At eto ang pinaka namiss ko buong pamilya kami kumakain sa hapag. Its the one thing that I've been longing and missed.
"May plano ka ba ngayong araw?" Basag na tanong ni Chad.
I weaved my head a bit "Magpapahinga muna ako ngayon. Pero siguro bukas baka pwede akong dumalaw sa inyu?"
"Sige, bukas ka nalang pupunta sa bahay. Gusto ka narin makita nila Mama eh" he said.
Tanging tango nalang ang ginawa ko tsaka ko pinagtuunan ng pansin ang mga pasalubong ko para sa Family niya.
Nalulungkot ako na sa haba ng pinagsamahan namin ni Chad ay ganito ang mangyayari sa amin. It was all my fault I know. I let things ruined me, us. Hindi ko rin alam kung paano or how should I face his Family after all what they have done good to me. There's the guilt feeling inside me.
Siguro kung hindi ako umalis ng Pilipinas at nagibang bansa, maybe we're both okay. We're living and working out our dreams.
Habang pinagmamasdan ko siyang paalis ng bahay namin. Unti unting nadudurog ang puso ko. I was so stupid. Ako yung definition ng isang tao na ubod ng sama.
"Anong plano mo sa inyung dalawa ni Chad?" Napabaling ako ng tingin kay Mama na ngayon ay inaayos ang mga pasalubong ko. "Gusto namin siya para sayo anak. Sana huwag mong sayangin ang ilang taon na relasyon niyo. Alam mo naman na ibinilin ka ni papa mo sakanya bago siya namatay. Nandiyan siya para sayo simula nung nahospital ang papa mo. Nagbantay hanggang sa mailibing ang papa mo. Bigyan mo ng pagkakataon yung tao. Wala na akong gustong lalaki para sayo. Siya na, nagmamakaawa ako sayo. Kung hindi man asahan mo wala kang mapapala sa akin anak"
Sunod sunod ang lunok na ginawa ko dahil sa mahabang litanya ni Mama. I can see that, my whole Family like me to marry Chad. They want him for me. Dito nahahati ang puso ko because of the thought of losing the person who only did was to take care of me and showed me his genuine love. All what I did is to only hurt him.
"Ma" sabay upo sa harap niya.
Pinakatitigan ako ni Mama tsaka saglit tumigil sa pagaayos.
"Siya yung gusto namin na makatuluyan mo. Mabait, responsable, may paninindigan. Kaya yang binabalak mo tigilan mo yan. Hindi ka ba naaawa sa tao? Tsaka naalala mo ba yung sinabi niya noon? Na ikaw yung boss niya, ikaw lang ang susundin niya. Ano pa bang hahanapin mo sa isang lalaki? nasa kanya na Anak. Gagawin kang prinsesa ni Chad"
"Ma, hindi naman kasi ganon kadali..."
"Maysie, maawa ka naman sa tao. Pagisipan mong mabuti yang mga desisyon mo. Walang maidudulot na mabuti yan sayo. Sinsabi ko na sayo."
"Hindi ko na siya mahal Ma. Kung pwede lang turuan ito." Sabay turo ko sa puso ko. "Kaso wala na" kagat labi kong pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala.
"Magsabi ka nga ng totoo sa akin Maysie. Anong dahilan mo para mawala yang nararamdaman mo sakanya? May iba ka ba?" Malakas na ang boses ni Mama sa mga oras na yun.
Napayuko nalang ako, hindi ko ata kayang sagutin ng maayos si Mama. I feel fear inside me that once she found out my secret it will explode like hell. Baka hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ni Mama sa akin.
"Maysie, sumagot ka, tinatanong kita!"
"Ma, ano nanaman ba yan. Hayaan niyo muna si Maysie" si Kuya Ram na dumaan galing sa kusina.
"Ading, ihanda mo nalang yung mga plato at kakain na tayo. Nagluto ako ng paborito mo. Kare kare" tsaka lang ako napatingin sakanya. Abot tenga ang ngiti ni Kuya sa akin. Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo ng maramdaman ko ang pagikot ng sikmura ko. Sa lakas ng amoy ng ulam na niluto ni kuya ang dahilan kung bakit gusto kong masuka.
"Bakit?" Nakapameywang na tanong sa akin ni Mama ng mapansin ang pagbago ng itsura ko at pagtakip sa bibig.
Shit, wala sa sariling naibulalas ko. I can't hold it anymore. Before I could vomit I ran as fast as I can. Sa loob ng CR namin doon ko hinayaan ang sarili ko na magsuka.
Nanginginig ang buong kalamnan ko ngayon and I don't know how will I'm going to face them. For sure they knew it already. No matter what happened kailangan ko parin sabihin sakanila. Hindi ko rin naman maitatago ito ng matagal.
Mabibigat na paghinga ang ginawa ko bago tuluyang lumabas ng CR. I intertwined both my hands.
Kitang kita ko ang nanlilisik na mata ni Mama sa akin when I reach our living room.
"Buntis ka ba?" Madiin na tanong ni Mama sa akin.
I'm facing death right now. However, it's here already.
"Ma..."
"Huwag mo akong Ma ma! Sagutin mo yung tanong ko!" nanggigil niyang sabi sa akin.
Kagat labi akong napatungo at kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Sila Kuya ay nasa tabi lamang ni Mama upang alalayan siya.
"Sagot! Huwag mo akong daanin sa iyak mo. Sumagot ka. Buntis ka?!"
Hinayaan ko nang kumawala ang malakas kong hikbi. Hindi ko kaya ang nakikita kong galit kay Mama.
"O-opo" mahinang usal ko kasabay ng paghikbi ko.
"Walangya ka!"
"Ma!" Sigaw ng mga kapatid ko
Namalayan ko nalang ng hilain ni Mama ang buhok ko. Walang pasubali niya akong sinampal. Walang kasing lakas na halos mabingi ako.
I can't do anything kundi ang umiyak nalang habang hawak hawak ang pisngi kong sinampal ni Mama.
"Bakit?! Ha! Bakit Maysie?! Gaga ka! Hinayaan kitang umalis dito para magtrabaho sa ibang bansa hindi para magpabuntis!"
"S-sorry Ma, s-sorry" walang katapusang hikbi ko.
"Sorry?" Sabay niyang tawa. "Alam mo wala kang pinagkaiba sa mga kapatid mo na walanghiyang mga Babae. Sa mga anak ng papa mo na malalandi, Makakati! Wala kang pinagkaiba sakanila Maysie, Gaga ka, ginaya mo lang sila na mga Pokpok! Kung kaninong mga lalaki napupunta! Ikinakahiya kita!"
Walang kasing sakit ang lahat ng mga binitawan na mga salita ni Mama sa akin. It cuts me deep and I don't how will I eat all of her words to me. Eto na yun eh, the truth. This is now what they call it Karma. This is the start of my miserable life.
YOU ARE READING
Knowing You Is A Mistake
Lãng mạnWhen she met him in unexpected place. A place where she wants to forget after she got broken by the people she met sepcially to him.