Veda Lia's POV
Nagsu-swimming naman sila at ako naman nakaupo lang sa may folding chair habang pinapanood lang sila na nag-eenjoy na mag-swimming.
Natatawa na lang din ako sa kanila lalo na kapag nagbabasaan sila ng tubig at saka nagvo-volleyball din sila sa may swimming pool.
Si Loisa naman laging nanalo dahil magaling talaga siya sa volleyball.
"Lia? Tara!"Biglang tawag sakin ni Ate. Napatingin naman sakin si Bryce na nasa swimming pool.
"M-Mamaya na lang..."Sagot ko naman kay Ate saka sabay na napaiwas ng tingin.
Bigla naman umahon si Bryce sa pool at saka lumapit sakin.
"Tara, swimming tayo"Nakangiting sabi ni Bryce at saka niya ako hinila patayo saka sabay na itinulak sa pool.
Naalala ko naman na tinuruan ko siya noon lumangoy kaya marunong na siya ngayon lumangoy sa pool or kahit sa may dagat.
Bigla naman akong inakbayan ni Ate at Loisa at binasa-basa naman ako ng tubig ni Eros at Dylan kaya naman gumanti ako at binasa ko rin sila. Gumaya naman si ate Vanessa at Loisa saka binasa-basa namin ng tubig yung mga boys.
Bigla naman tumalon sa pool si Bryce at saka nakigaya kila Eros kaya ang ending nagba-basaan lang kami. Haha!
Nung napagod naman na kaming magbasaan ng tubig habang nasa swimming pool kami ay kumain lang muna kami dahil bigla kaming nagutom.
d^__^b
Pagkatapos ko naman kumuha ng pagkain ay umupo na ako ng bigla namang tumabi sakin si Bryce. 3 days kami dito sa Tagaytay at bukas ay uuwi na kami.
"Tikman mo 'to"Rinig kong sabi ni Bryce at akmang lilingon naman ako sa kanya ng bigla niya nilagyan yung plato ko ng grill shrimp.
Nakatingin naman ako sa nilagay niya sa plato ko at narinig kong nagsalita ulit siya."Tanggalin ko yung balat niya"Rinig kong sabi niya at saka niya kinuha yung plato ko saka tinanggal yung balat na nakabalot dun sa may hipon. "Mas masarap yan kapag sinawsaw mo sa suka na may sili"Patuloy niya pa. Napatingin naman ako kay Bryce at parang nakikita ko si Marcus sa kanya. Mula sa mga magaganda niyang mata. Sa ilong niya na matangos at lalong lalo na sa labi niya na mapula-pula.
Napailing na lang ako dahil bakit ko ba pinagkukumpara si Marcus at Bryce eh mag-kaiba sila!? Iniwas ko na lang tingin ko kay Bryce at tumingin na lang ako sa hipon na tinatanggalan niya ng parang shell.
"Ayan kumain ka na"Rinig kong sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya at nakangiti siya ngayon sakin kaya ngumiti na lang rin ako saka ko kinain yung hipon at isinawsaw ko naman din yun sa suka na may sili at ang sarap.
Pagkatapos naman namin kumain ay nag-swimming na ulit kami pero saglit lang dahil aalis kami ngayon at pupunta kami ng Sky Ranch.
Pagkatapos naman naming mag-banlaw at magpalit ng damit ay umalis na kami saka kami pumunta ng Sky Ranch.
Pagkadating namin ay agad na kaming nagbayad ng entrance at bawat rides na sasakyan mo ay may bayad kaya lahat naman ay sasakyan namin.
Nag-zipline din kami at pagkatapos non ay namasyal pa kami sa ibang lugar dito sa Tagaytay.
Gabi na ng makabalik kami sa hotel na tinutuluyan namin at bukas pala ng umaga ang alis namin.
Sa totoo lang sobrang nag-enjoy ako lalo na kasama ko ang mga kaibigan ko at ang dalawa kong kapatid.
Sa hotel na kaming nag-dinner at habang kumakain naman kami ay nagtatawanan sila dahil may kinukwento si Eros dahilan para magtawanan sila samantalang ako nakikitawa na lang kahit hindi naman nakakatawa yung pinagsasabi ni Eros.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<