Chapter 104

424 16 0
                                    

Veda Lia's POV

Tulala lang ako at hindi makapaniwalang makikita ko siya at masaya akong nakita ko na rin siya sa wakas at nagparamdam din kaso nakita ko naman na matalim siyang nakatingin sa akin...

"Veda?"

Natauhan naman ako ng bigla akong kinalabit ni ate Vanessa kaya napalingon ako sa kanya."Tara na..."Pagkasabi niya non ay sabay na silang tumalikod ni Loisa.

"Ate Vaneesa, sandali lang"Pigil ko sa kanya kaya napalingon siya sakin.

"Tara na, baka inaantay na tayo ni Mom at Dad"Nakakunot na sabi ni ate Vanessa at saka na siya tumalikod at nauna na silang lumakad ni Loisa.

Napatingin naman ako kung saan ko nakita kanina si Marcus pero wala na siya kaya napabagsak na lang ang balikat ko at sumunod na lang kila ate Vanessa at Loisa.

Sumakay na lang kami ng taxi pauwi at inuna muna namin ihatid si Loisa. Nung nahatid naman na namin si Loisa ay pauwi na kami ngayon ni ate.

Nakatingin lang ako sa may bintana ng biglang nagsalita si ate Vanessa. "Nakaka-miss mag-aral 'no?"Rinig kong sabi ni ate kaya napatingin ako sa kanya.

Oo nga, nakakamiss mag-aral lalo na nung high school ako dahil sabi nga nila mas masaya ang high school life lalo na noon na pinagtitripan ako.

d>>__<<b

Pero mas nakakamiss yung mga panahon na kasama ko si Marcus.

"Mamaya midnight snacks tayo ah"Dagdag na sabi ni ate. Napangiti na lang ako dahil madalas kami noon mag-midnight snacks lalo na nung bata pa ako at noong nasa Korea kami.

Mayamaya pa ay nasa bahay na rin kami at pagkabayad naman ni ate ay bumaba na kami at agad naman kaming sinalubong ng maid namin.

"Hindi ba umalis si Mom and Dad?"Tanong ni ate sa maid.

"Hindi po ma'am, nandiyan po sila sa may salas at kanina pa po kayo inaantay"Tugon naman na sabi nung maid namin. Napatango-tango naman si ate at saka na kami pumasok sa loob.

Dinala naman ng maid namin yung gamit namin at kasunod lang namin siya likod namin. Pagkapasok naman namin sa loob ay agad na dumeretso si ate Vanessa sa may salas habang nakasunod naman ako sa kanya.

"Mom? Dad?"Bati ni ate saka sabay na humalik sa pisngi ni mommy at daddy. Humalik din ako sa may pisngi nila pareho at nanatiling nakatayo sa tabi ni ate.

"Kamusta naman ang reunion niyo?"Seryosong tanong ni daddy.

"Sobrang saya po dad"Nakangiting sagot naman ni ate kay daddy.

"Ah okay. Saan naman kayo nagpunta?"Takang tanong ni daddy. Napatingin naman ako kay ate at biglang sumeryoso yung mukha niya pero agad din ngumiti.

"Dinalaw lang namin si Marcus sa sementeryo"Sagot ni ate, napatango naman si dad.

Napatingin naman ako kay mommy na tahimik lang na nakaupo habang nakayuko. "Mommy?"Tawag ko sa kanya kaya napatingnin siya sakin.

"Okay lang po ba kayo?"Takang tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang napangiti.

"Oo naman, halika maupo ka dito sa tabi ko"Sabi ni Mommy kaya napangiti na lang ako saka tumabi sa kanya.

"Pupunta daw dito mamaya si Mr and Mrs Vargas..."Sabi ni Mommy.

"Why Mom?"Takang tanong ko naman.

"Dito daw sila magdi-dinner"Agad na sagot ni Mommy. Napatango na lang ako at saka sabay na umiwas ng tingin kay Mommy.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon