Gaia's POV
Nagkukwentuhan naman sila habang ako patuloy lang sa pagkain. Napapasulyap naman ako kay Veda at tahimik lang siyang kumakain.
Habang patuloy pa rin ang aming pagkain ay bigla ko naman naramdaman yung phone ko na tumunog na nasa bulsa ng pants ko. Dali-dali ko naman yun kinuha sa bulsa ng pants ko at napatingin pa ako sa kanila pero busy pa rin sila sa pagkain habang nagtatawanan at nagkukwentuhan.
Napatingin naman ako sa phone ko na hawak ko ngayon at may tumatawag pala sakin na unknown number. Napatingin naman ako kila Mr. and Mrs. Soo at saka
napatingin din kay Mommy at Daddy."*Ehem* Excuse me? Lalabas lang po ako sandali... sasagutin ko lang yung tumatawag sa phone ko"Paalam na sabi ko sa kanila.
Napatango naman si Mr. Soo at ganun din si Daddy."Sige hija"Napapatangong sabi ni Mr. Soo kaya ngumiti lang ako ng tipid at saka na ako tumayo.
Lumabas naman na ako ng bahay nila Veda at saka ko sinagot yung tumatawag sakin na unknown number.
"H-Hello?"
"Hey! I miss you..."
Halos manlaki naman ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang boses na yun...
"H-Help me... ayaw ko na dito"
OH MY GOSH! I'm speechless!
"Gusto ko ng umuwi at makasama kayo but... hindi ako--------"
"Ate Gaia?"Nagulat naman ako ng bigla kong marinig na tinawag ako ni Shawn at agad ko naman pinatay yung phone ko saka lumingon kay Shawn.
Halos nanlaki naman ang mga mata ko dahil nasa likod niya lang si Lia!
"Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ni Lia. Napalunok na lang ako at deretsong nakatingin lang sa kanya.
"Ahmmm... m-may tumawag lang sakin but hindi ko naman kilala"Sagot ko naman saka sabay na umiwas ng tingin sa kanya."Tara, pasok na tayo sa loob hehe"Sabi ko na lang at saka na ako pumasok ulit sa loob ng bahay nila.
Naramdaman ko namang sumunod na sa akin sa likod si Shawn at Lia hanggang sa nakabalik na ulit kami sa dining room nila.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain at mayamaya pa ay natapos na rin kaming mag-dinner at saka na kami nagpaalam na uuwi na kami saka sa Sunday na lang magkikita-kita sa birthday ng friend ni Dad. Actually, hindi ko naman kilala yung friend ni Dad na yun at sa Sunday ko pa naman makikilala yun.
Nakasakay na kami sa kotse namin ngayon pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung sobrang pamilyar na boses na yon.
Parang boses ni Marcus yun pero imposible naman na siya yon dahil matagal naman na siyang patay.
Hanggang sa makauwi naman na kami ng bahay ay nagshower lang ako sala na ako deretsong natulog at hindi na lang inisip yon.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakatulog ng biglang nag-vibrate ulit yung phone ko kaya napabangon ako at kinuha ko yung phone ko na nasa side table.
Unknown number ulit siya at nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Napahinga na lang ako ng malalim at sinagot ko na lang dahil baka yung kaboses ulit ng kapatid ko yung tumatawag sakin at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga ulit yun.
"Hello? Please tulungan mo ako"
"H-Ha? T-Teka? Sino ba 'to?"Takang tanong ko.
"Ate?! Gusto kong tumakas pero hindi ako makatakas dito kaya tulungan mo naman ako..."
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomansSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<