Chapter 113

427 19 0
                                    

Marcus Red's POV

Hindi ko alam kung bakit nagka-ganon na lang si Veda at parang naninibago siya sakin.

d>>__<<b

Dapat pala hindi na lang muna ako nagpakita sa kanya para kapag sa oras na nakita na niya ako ma-surprise siya!

Umuwi na lang ako pagkatapos ko siyang samahan sa company nila at kaya lang naman ako umuwi ay dahil baka bigla akong hanapin ni Aubrey at baka magtanong rin siya kung saan ako nagpunta.

Pagkadating ko naman sa bahay ay bumungad sa salas si Mr. and Mrs. Montenegro na may kausap na isang babae na siguro sa tingin ko ay nasa 30's at napansin ko namang wala si Aubrey.

Nakita naman nila ako agad at ngumiti naman sakin si Mr. Montenegro. "Marcus? Come here"Nakangiting tawag sakin ni Mr. Montenegro.

Ngumiti naman ako saka napatango at lumapit sa kanila."Tignan mo itong susuotin mo para bukas sa party"Nakangiting sabi ni sir Fred sabay turo doon sa may box na nakapatong sa table.

Dahan-dahan ko naman yun kinuha at saka ko binuksan. Kulay puting tuxedo at pati pants ay puti rin.

Hindi ba ako magmu-mukhang patay kapag sinuot ko 'to?

'Tsk! Bakit ba kasi puti!? eh baka magmukha nga akong patay dito!'

"Sukatin mo yan at sigurado akong bagay na bagay sayo yan"Nakangiting sabi ni sir Fred. Napangiti na lang din ako at saka sabay na napatango. "Meron pa palang isang box dito at kung gusto mo mamili ka sa dalawa baka may magustuhan ka"Dagdag na sabi ni sir Fred.

"S-Sige po, maraming salamat po"Sabi ko na lang at saka ko na kinuha yung isa pang box.

Pagkadating ko naman sa kwarto ay agad kong sinukat yung white tuxedo at sakto lang siya sakin kaso yung naisip ko kanina na baka magmukha akong patay eh ngayon nagmukha naman akong parang groom sa kasal!

d>>__<<b

Tsk! Saka ko na 'to susuotin kapag kinasal na lang kami ni Veda hehe.

d^__^b

Binuksan ko naman yung isang box at tuxedo din siya na kulay gray at sinukat ko naman yun saka kasya din siya sakin at bagay sakin.

'Ito na lang susuotin ko bukas'

Hinubad ko na yung sinukat ko na tuxedo at saka ko binalik ulit sa may box saka ko tinago dahil baka madumihan pa at bukas ko pa naman yun susuotin.

Bumaba naman ako at hindi ko pa nakikita si Aubrey at akmang itatanong ko na sana kay sir Fred dahil nakita ko siya sa may salas habang nagbabasa kaso nakita na niya ako saka siya tumayo at lumapit sakin.

"Wala si Aubrey ngayon dahil kinuha niya yung gown niya na susuotin niya sa party bukas. May pupuntahan ka ba ngayon? Papayagan kita-------"Hindi naman na natapos ni sir Fred ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"H-Hindi na po ako aalis"Agad na sabi ko. Napatango naman si sir Fred.

"Magpapahangin lang po sana ako sa may labas"Paalam kong sabi at napatango ulit siya.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon