Bryce's POV
Nasa bahay ako ngayon at hindi muna ako uuwi sa condo ko dahil masyadong boring kaya dito na lang ako sa bahay atlis kasama ko pa parents ko.
Nakahiga lang ako at nakatingin lang sa kisame at wala naman akong iniisip pero trip ko lang tumingin sa kisame dahil parang ganito yung sa mga love story na nakatingin yung guy sa kisame tapos naiisip niya yung crush niya at mamaya-maya lang ay biglang may tumawag sa phone niya at nagulat na lang siya ng biglang tumawag---------Spaeaking of tumatawag!
Agad naman akong napabangon ng bigla ngang may tumatawag sakin kaya kinuha ko yung phone ko na nasa side table ng kama ko at napakunot noo na lang ako ng dahil tumatawag pala ay si Marcus.
Hindi naman ako nagdadalawang isip na sagutin siya at gusto ko rin sana siyang pagalitan dahil pinagpapalit niya si Veda sa isang babae!
At gusto ko sanang sabihin sa kanya na dapat noon pa lang hindi na lang niya minahal si Veda kung sasaktan din naman niya at sana ako na lang ang nagmahal kay Veda.
Sinagot ko naman yung tawag sakin ni Marcus at agad ko siyang sinermunan.
"Hoy Goku! Dapat noon pa lang sinabi mo na hindi mo mahal si Veda edi sana ako na lang--------"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Hoy ka rin! Pwede bang wag mo akong sigawan diyan Gunner!? Mamaya ka ng mang-away diyan pagkatapos kong sabihin sayo 'to!"Napapikit na lang ako dahil sa sabi niyang yon.
"Ano naman ang sasabihin mo!?"Kunot noo at inis kong tanong sa kanya. Narinig ko naman na napabuntong pa siya saka nagsalita.
"Magkita tayo sa ***** at may importante akong sasabihin sayo"Biglang seryoso niyang sabi at napalunok na lang ako.
'Siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo Marcus para manlang matuwa ako sayo!'
***
Napapatulala na lang ako sa nakikita ko at halos wala rin katao-tao. Bigla na lang akong kinabahan na baka may lumabas na maligno dito eh mukhang ghost town na 'to!
Sinabi kasi sakin ni Marcus nung tumawag siya kanina na magkita kami sa abandoned apartment at ang creepy nung lugar at bigla ko naman naalala na nakapunta na pala ako dati dito kaso hindi pa naman ganun nakakatakot noon pero ngayon feeling ko parang biglang lalabas si Pennywise or si Anabelle!
d>>__<<b
'Tsk! Ke-lalaking tao takot!'
"Bryce?"
"P*TANG *NA!"Napamura ako sa sobrang gulat at pagkalingon ko naman sa likod ko ay si Marcus lang pala na naka-black hoodie.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko kung sino na yung tumawag sakin pero si Marcus lang pala.
d-.-b
"Ginulat mo naman ako eh!"Reklamo ko naman sa kanya kaso napakunot lang yung noo niya.
"Napaka-bakla mo naman! Mas magulat ka kung biglang may yumakap sayo diyan! May sasabihin ako sayo at dapat sumeryoso ka!"Kunot noo niyang sabi pero napataas lang yung kilay ko.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomansaSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<