Veda Lia's POV
"Lia, kailangan mo pang mag-focus at kailangan kapag babarilin mo yun ay dapat nasa pinaka-center"Rinig ko naman na sabi ni Daddy at tinuturuan niya akong humawak at gumamit ng baril.
Seryoso naman akong nakatingin sa lata na yon at tinuturo ni daddy na kailangan tumama sa pinaka-gitna at sinabi niya rin kapag na-target ko yun ay parang nabaril ko na sa kalaban sa tapat ng puso at deretsong mamatay agad.
Todo kinig naman ako sa sinasabi ni daddy at kung minsan ay hindi ko matama kaya nagtatyaga pa rin siyang turuan ako.
'Hindi pala madaling maging isang gangster!'
d>>__<<b
Ngayong araw lang kami nag-start ni daddy na turuan ako kung paano maging isang gangster at sinabi niyang madali akong matuto. Marami na rin siyang naturo sakin at yung pagsho-shooting na lang ngayon at tapos na rin ako sa lahat.
"Break time muna tayo!"Biglang sabi ni daddy. Inilapag ko lang muna sandali yung baril at saka naman ako sumunod kay daddy na naupo at saka uminom ng tea.
Nasa likod lang kami ng bahay at malapit lang din samin ang swimming pool namin. Malaki at malawak kasi dito at kahit ano pwede mong gawin.
Uminom naman ako ng juice at saka kumagat ng sandwich. Hapon naman na at hindi naman masyadong mainit.
"Anak, alam mo bang madali ka talagang matuto"Rinig kong sabi ni daddy kaya napatingin ako sa kanya.
"Nasabi niyo na po yan sakin"Sagot ko naman at saka ulit kumagat ng sandwich.
"Oo nga, pero bilib na bilib talaga ako sayo dahil halos lahat ng tinuro ko ay natutunan mo agad at talagang ginagawa mo ang lahat para lang kay Marcus"Rinig ko pang sabi ni daddy.
Oo, tama siya dahil lahat ng 'to ay ginagawa ko para kay Marcus.
"Babawiin ko lang naman kasi ang dapat ay sa akin"Seryoso ko namang sagot.
"Talagang mahal mo siya 'no? At talagang ipaglalaban mo talaga siya kahit na hanggang kamatayan pa at kaya mo pang ibuwis ang buhay mo"
"Ganun ho talaga dad lalo na kapag mahal mo talaga..."Sagot ko naman at saka ko na tinapos ang pagkain ko ng sandwich.
Bumalik na ulit kami ni daddy sa pag-eensayo at talagang ginalingan ko para matapos na ako dito at gusto ko ng gilitan ng leeg yang Aubrey na yan na umaahas sa boyfriend ko!
***
Nasa bahay ako ngayon nila Marcus at wala siya. Kaya lang naman ako nandito sa bahay nila ay dahil gusto ko lang madalaw si Tito Manuel, Tita Celine, Gaia at Lolo Jaime.
Gabi na rin at kakatapos ko lang din mag-dinner bago ako pumunta dito.
At kaya rin ako nandito dahil gusto ko rin siyang makita kaso wala siya at hindi ko naman maitanong kung nasaan si Marcus ngayon.
'Siguro naghahanda na para sa kasal nila nung Aubrey na yon!'
Napansin ko naman na wala si Gaia at siguro naka-duty siya ngayon sa hospital.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<