Marcus Red's POV
Bigla na lang akong natulala dahil sa sinabi ni Veda at ang mas nakakagulat ay sila na pala ulit ang nagma-may ari ng Stanford, Gillford University at StanGillford Hospital!
Pero bakit hindi sinabi sakin ni Daddy na hindi na pala sa amin ang Stanford at Gillford saka yung Hospital?!
Baka naman ayaw ipasabi ng mga Soo na sakanila na ulit ang pagma-may ari nila?
"Marcus, I miss you so much"Natauhan naman ako ng maalala kong katabi ko nga pala si Aubrey at nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso pero agad ko din inalis yung kamay niya sa braso ko.
Napatingin naman ako sa kanya at saka hindi ko alam na nandito siya sa Gillford pero bakit ba siya nandito?
Nang makita ko kasi si Bryce at Veda na magkasama ngayon at si Veda rin naman ang pinaparinggan ko kanina ng bigla kong nakita si Aubrey kaya kunwaring tinawag ko siya.
At kaya lang naman ako nandito sa Gillford ay dahil para sunduin si Veda at hindi ko talaga siya matiis at gusto ko rin na magkaayos kami.
At kaya ko naman nalaman na nandito si Veda sa Gillford at kasama pala niya si Bryce ay dahil pumunta ako sa kanila kanina kaso nauna na pala siyang nakaalis.
*Throwback*
Kagabi pa lang nung umuwi ako sa bahay ay napansin ni Mommy, Daddy at Ate Gaia na basang-basa ako sa ulan.
"Marcus? Anong nangyari sayo bakit basang basa ka sa ulan? Saan ka ba galing?"Agad na tanong ni Daddy at nag-aalala din siya.
Hindi naman ako sumagot at bigla na lang nilang napansin na humihikbi ako.
"Anong nangyari?"Tanog pa ni Daddy pero hindi pa rin ako sumasagot.
Nasa salas kami ngayon at napansin ko naman nung dumating ako sa bahay ay nanonood pala sila ng tv.
Napansin ko naman na tumayo si Mommy kaya napatingin ako sa kanya ng deretso."Bakit ka umiiyak?"Nag-aalalang tanong ni Mommy.
Sinubukan ko naman ibuka yung bibig ko kaso bigla ko naalala na wala na kami ni Veda at bigla na lang din ako napahagulgol sa iyak. Bigla naman napatayo si Daddy at Ate.
"Anong problema mo, Marcus? Sabihin mo para malaman namin"Nag-aalalang tanong ni Ate kaya sa kanya naman ako napatingin.
"A-ate wala n-na kami..."Hagulgol na iyak kong sabi pero nagulat naman ako ng biglang tumawa si Ate Gaia.
"Alam mo para kang bata?! Baka naman kasi inaway mo tapos ngayon iiyak-iyak ka!"Natatawang sabi ni Ate. Bigla naman ako napatigil sa pag-iyak.
"Hindi ko naman siya inaway dahil siya nga yung nang-aaway"Reklamo ko namang sagot. Bigla naman sumabat si Daddy kaya sa kanya naman akong napatingin.
"Anak, sa pag-ibig kailangan may sacrifice at patience. At kailangan kapag nagmahal ka ay dapat may pasensiya at saka napagdaanan mo naman na yan diba? Nung kayo pa ni Addyson noon? Kapag ang isa may mataas kailangan mo maging magpakumbaba at saka alam mo at natin naman ang mga babae ay hindi natin minsan maintindihan kaya nga kailangan ng pasensiya. At kung talagang mahal mo naman ay dapat hindi ka agad sumusuko at minsan ibaba din natin ang pride natin! Bakit hindi na lang natin idaan sa mabuting usapan o mahinahong usapan diba? Kung ano 'man ang problema niya dapat tinutulungan mo siya sa problema niyang iyon at kung yun... ay kung may problema siya, at syempre kailangang magtulungan din kayo. Alam mo kasi Marcus, kapag pumasok ka talaga sa isang relasyon ay magulo... dahil nandiyan naman na talaga ang pag-aaway at bati pero mas mabuti na lang siguro kung magkausap na lang kayong dalawa at kung ano 'man ang nagawa mong mali o kasalanan sa kanya ay humingi ka na lang ng pasensiya at tawad"Mahabang sabi ni Daddy kaya naman parang natauhan ako sa sinabi ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
Roman d'amourSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>Soo<<