Chapter 111

413 19 0
                                    

Veda Lia's POV

"A promise is a promise. And my promises to you are never broken and will never change."Halos mapanganga naman ako sa sinabi niya at unti-unti kong nare-realize na siya nga si Marcus at ang Marcus na nakatayo ngayon sa harapan ko at nagsasalita ay siya talaga!

Ibig sabihin buhay talaga siya!?

"A-Ah okay..."Natutulala kong sagot at napansin ko namang bigla siyang napakunot noo.

"Okay lang ang isasagot mo? Yun lang?"Kunot noo niyang tanong.

Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala ngayon na buhay siya.

'Hays! Gusto kong sampalin niyo na lang ako para maniwala na talaga ako!'

"Ah eh oo..."Tulala ko pa rin sagot dahilan para mapapikit na lang siya.

"Hindi ka pa rin ba maniwala na buhay ako? Hays! Ano bang gagawin ko para maniwala ka na buhay ako?! Veda naman eh! Ako nga kasi 'to! Buhay na buhay ako! Kaya sana naman maniwala--------"Napapikit na lang ako dahil naiinis ako sa sarili ko dahil naiisip ko na baka nagpapanggap lang siya na si Marcus o di kaya nagparetoke lang siya para gayahin si Marcus pero siguro may 50% ako na naniniwalang siya nga si Marcus at buhay siya------hays! Ang gulo!

d>>__<<b

Napamulat na lang ako ng mata at saka napabuntong at tumingin ng deretso sa kanya."P-Pwede ka ng umalis"Seryoso kong sabi ng bigla siyang natulala.

"H-Hindi ka ba n-naniniwala na buhay a-ako?"Tulala niyang tanong pero napayuko na lang ako.

'Naniniwala na akong buhay ka ngayon pero naninibago lang ako'

Napahinga na lang ako ng
malalim saka tumingin sa kanya."Naniniwala na akong buhay ka pero...parang naninibago lang ako"Deretsong sagot ko naman saka ulit ako napabuntong at napatalikod kaso nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.

Ramdam ko ang tibok ng puso niya at yung mabango niyang amoy ay yun pa rin tulad ng dati.

"Kung alam mo lang na lagi kitang sinusundan kahit saan ka magpunta dahil mahal na mahal kita...at alam mo rin ba na nagdadalawang isip pa ako kung magpapakita na ba ako sayo o hindi, dahil sa totoo lang hindi pa akong handa na humarap sayo dahil wala akong mukhang maihaharap. Halos limang taon din kitang pinaniwala na patay na ako at ang akala niyong ako yung bangkay na yun pero ang totoo ay hindi ako yun dahil nilihim ko na patay na ako. Pero nung nakausap ko si Bryce kagabi dahil nakita na niya ako at si Bryce lang din ang nakausap ako at si Bryce din ang gumawa ng paraan para magkita na rin tayo ngayon at kung alam mo lang na matagal na kitang gustong makita, mayakap at mahalikan..."Mahabang sabi niya dahilan para mapalunok na lang ako.

"At ngayon nandito na ulit ako...wala na akong ibang mahihiling pa kundi makasama ka habang buhay at ang pangakong kasal tulad din ng sabi ng daddy mo na dapat noon ay ikakasal tayo pero...hays! Basta ikaw ang gusto ko maging asawa"Patuloy na sabi niya kaya napapikit na lang ako  at napahinga ng malalim.

Dahan-dahan naman akong humarap kay Marcus kaya bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.

Ngayon ay naniniwala na talaga akong buhay siya at masaya ako dahil buhay siya at nandito na siya ngayon sa tabi ko pero...naiinis ako sa kanya dahil bakit ngayon lang siya nagpakita kung limang taon akong halos umiyak ng umiyak at magluksa sa pagkawala niya dahil sa pag-aakalang patay na siya.

"Nasaan si Bryce?"Tanong ko na lang dahilan biglang nawala yung sasabihin ko at saka marami akong gustong itanong pero hindi ko naman maitanong sa kanya.

"H-Hinatid niya lang ako dito"Agad na sagot niya. Napatango-tango na lang ako saka na lang ako pumasok sa kwarto at nilock yun.

Malaki kasi yung condo ko at minsan dito lang din ako tumatambay. Napasandal na lang ako sa may pinto at dahan-dahang napaupo at napayuko.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon